Share

CHAPTER 56: DESPERATION

Author: DIVINE
last update Last Updated: 2025-09-02 23:33:30

Simon’s pov

BIGLANG nawala ang kalasingan ko. Huminga ako ng malalim. Hindi rin ako handa na mawala ang lahat ng luho na tinatamasa ko.

“Anong gagawin natin, Camia?” halos pabulong kong tanong. Nilapitan ko siya, pilit na inaabot ang kanyang kamay. “Sorry na… Naglilibang lang naman ako. Sabihin mo sa akin ano ang gagawin ko.”

Umiling ito..

“Simon, hindi na ito tungkol sa sugal o sa pag-uwi mong lasing. This is about Leonard. At higit sa lahat, about that woman. Dapat na mawala ang Sam na ’yan sa buhay natin,” madiin niyang sabi, nanginginig ang tinig.

Napakunot ang noo ko.

“Sam?” ulit ko.

“Oo, si Sam!” halos pasigaw niya. “Hindi ko alam kung paano, pero dapat siyang mawala. Sinusuway ako ni Leonard dahil sa kanya. Paano kapag nagkaanak na sila, Simon? Tuluyan niyang magagamit si Leonard laban sa atin.”

Natigilan ako… Nakikita ko ang galit sa mga mata nito.

“Camia…” maingat kong simula, pilit kong hinahaplos ang braso niya. “Maybe you’re overthinking. Baka naman—”

She cut me off shar
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 70: THE WOUNDS YOU CANNOT ERASE

    Sonya’s povHINDI ko mapigilang ang hindi manggigil habang tinitingnan ko si Edmund na kagagaling lang sa labas. Kita ko pa sa polo niya ang bahagyang gusot, tanda na nagmadali siyang bumalik. Alam ko naman kung saan ito galing dahil kagabi pa ito nagmamadali ng mapanood ang balita kay S Sam…Ramdam ko ang bigat ng dibdib ko, hindi ko na napigilang umapaw ang galit.“Galing ka kay Sam?” mariin kong tanong… “Akala ko ba itinakwil mo na siya? Bakit ngayon para kang ulirang ama.Huminto siya sa pag-alis ng sapatos at dahan-dahang tumingin sa akin, halatang pagod, halatang walang balak makipag-away. Pero lalo lang akong nainis. Paano niya nagagawang maging kalmado gayong ako’y nagngingitngit sa galit.“Masakit ang ulo ko, Sonya. Tigilan mo ako.” Malamig nitong sagot sa akin, ngunit ramdam ko ang pigil na inis. “Ano’ng gusto mong gawin ko? Matuwa sa nangyari sa kanya? Sa akin pa rin siya lumaki. Ama pa rin niya ako. Dapat ay maintindihan mo yun!”Parang sumabog ang dibdib ko sa narinig. ‘H

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 69: A FATHER'S REGRET

    Sam’s povPagkababa ko mula sa hagdan, bitbit ang isang basong tubig na kanina ko pa iniinom sa kwarto, hindi ko inasahan ang tanawing sasalubong sa akin. Nanlamig ang mga kamay ko at halos mabitawan ko ang baso nang makita kong nakaupo sa sala si… Papa.Nakaayos pa rin siya tulad ng dati—neatly pressed polo, matikas ang tindig pero hindi iyon ang pumigil sa tibok ng puso ko. Ang mismong presensya niya rito, sa bahay ni Leonard, ang dahilan kung bakit halos hindi ako makahinga.“Papa?” mahina kong bulong, halos hindi ko makapaniwala. Hindi ba’t itinakwil niya na ako noon? Hindi ba’t sinabi niyang wala na akong karapatang tawagin siyang ama? Bakit ngayon, nandito siya?“Sam,” lumingon siya sa akin, at sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon, narinig kong muli ang boses niyang dati ay nagbibigay sa akin ng lakas pero ngayo’y parang pako na tumutusok sa dibdib ko. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko.Nanatili akong nakatayo sa hagdan, hindi makagalaw. Pero mas

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 68: HAUNTED BY THE PAST

    Darren’s povNang marinig ko ang balita sa TV habang nasa hotel pa kami ni Nina, para akong binuhusan ng malamig na tubig. The footage of the accident flashed before my eyes, Sam’s car. Hindi ko na halos narinig ang ibang sinabi ng reporter dahil ang tanging nasa isip ko lang ay: What if something happened to her? What if I lost her for good?Agad kong kinuha ang cellphone ko. Gusto kong tumakbo papunta sa bahay nina Uncle Leonard, gusto kong makita mismo si Sam at masigurong ligtas siya. Pero sa kabilang banda, alam kong hindi ko dapat gawin ‘yon. Control yourself, Darren. She’s not yours anymore. She’s married. To your uncle.Napakagat ako sa labi at pinilit pigilan ang sarili ko. Ang tanging nagawa ko na lang ay tumawag. Kahit malamig ang boses ni Uncle Leonard nang sagutin niya, kahit ramdam kong ayaw niya akong makialam—at least I heard she’s fine. That was enough to calm me… kahit kaunti.Pagkababa ko ng tawag, napansin kong nakatingin sa akin si Nina. The anger in her eyes was

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 67: JEALOUSY ON THE LINE

    Leonard’s povPagkatapos ng interview ng mga pulis, halata ko pa rin ang panginginig ng mga kamay ni Sam. Hindi man niya aminin, kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot na hindi niya mailarawan. Kaya’t agad ko siyang inalalayan, hawak ang kanyang likod habang naglalakad kami papunta sa sasakyan.Pagpasok namin sa loob, tahimik lamang siya, mahigpit na nakakapit sa kanyang bag, parang iyon lang ang sandalan niya sa mga oras na iyon. Ako naman, pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang inaandar ang kotse. Pero kahit anong pilit, hindi ko maiwasang tumingin ng paulit-ulit sa kanya sa gilid ng aking mga mata.“Sam…” tawag ko, mahina, habang nakatutok pa rin sa kalsada. “Sigurado ka bang hindi mo siya kilala? Kahit isang beses man lang?”Umiling siya ng mariin. Kita ko kung paano kumurap ang kanyang mga mata, puno ng kaba at pag-aalala. “Hindi. Hindi ko pa siya nakikilala. Wala akong ideya kung sino siya…” sagot niya, tapos tumigil sandali bago muling nagsalita. “Pero naaalala ko lang

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 66: THE CRASH IN THE DARK

    Nakatitig ako sa orasan sa loob ng opisina. Alas-siete na, at kanina pa ako naghihintay kay Sam para sabay kaming mag-dinner. Inayos ko pa nga ang mga papeles ko nang mas maaga para hindi na siya maghintay sa akin. Pero ilang minuto na ang lumipas, wala pa rin siya.Bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Number niya. Agad kong sinagot.“Sam? Nasaan ka na? Kanina pa ako—”Bago ko pa matapos, boses niya ang narinig ko, nanginginig, puno ng kaba.“Leonard… may sumusunod sa akin…”Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Napaupo ako ulit sa swivel chair ko, pero ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.“A-anong ibig mong sabihin? Nasaan ka?!”“Hindi ko alam! Kanina pa siya nakasunod mula sa bahay… Leonard, hindi ko alam ang gagawin ko!” Halos pabulong na ang boses niya, parang pinipilit itago ang takot.“Sam, makinig ka sa akin. Stay on the line. Sabihin mo kung nasaan ka, pupuntahan kita agad!”Pero bago pa siya sumagot, narinig ko ang isang sigaw. Malakas, puno ng takot.“LEONARD!”Tu

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 65: THE SHADOW BEHIND ME

    Totoong wala na akong nararamdaman para kay Darren nang makita ko sa balita na ikinasal na siya kay Nina, ang aking step-sister. Natatawa na lamang ako dahil ginawa pa nilang e- live sa TV ang kasal nila. Panatag na ako sa buhay ko ngayon kasama si Leonard. Mahal ko na siya, at walang dudang handa akong ipaglaban ang aming kasal.Hindi na rin ako sumama kay Leonard na umattend sa kasal. Gusto kong maging maayos ang lahat at maiwasan ang anumang gulo.Pinatay ko na lamang ang TV at hindi na nagpatuloy sa panonood. Isa sa mga bagay na ikinulungkot ko ay makita ang aking ama na naroroon sa kasal ni Nina, samantalang sa kasal ko, wala man lang siya. Kahit sabihin pa na hindi ako tunay na anak, siya pa rin ang kinilala kong ama, at masakit para sa akin ang pagtalikod nito sa akin.Napangiti ako nang tumawag sa akin si Leonard. Agad kong sinagot ang tawag.“Miss mo na ako agad?” tanong niya, may halong kilig sa boses. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.“Palagi naman kitang namimiss,” hirit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status