Pinatawag ako ni Tito sa studyroom. Kasama niya si Tita at si Arman, pinsan ko, panganay na anak ni Tito. Balisa sila ng madatnan ko. Lalo na si Tita, namumula ang mata nito na tila galing sa pag iyak. Niyakap ako ni Tita, nagtaka ako dahil umiiyak ito. Bumuntonghininga si Tito. Nang kumalma si Tita ay saka ito nagsalita. May nilapag ito na ticket papuntang States. “Go back to States, Mina. Ito ang huling tulong na magagawa namin para sa’yo. Hindi namin gustong masira ang buhay mo.” May laman na pahiwatig ni Tito sa akin. “What? But I’m pregnant at hindi bastang lalaki lang ang ama ng batang ito!” “Mina, listen to us! Para ito sayo!” Hindi nakatiis na sabat ni Arman. “Akala ko ba natutuwa kayo para sa akin, Tito?” Sabi ko. Tumingin ako kay Tita. “Dahil ba ito kay Agatha? Dahil naiinggit siya sa akin?” Siya lang naman ang nakausap kanina na halatang tutol sa plano ko. Inggitera! Umiling si Arman at Tito habang nag uusap ang mga mata. “Mina, alam mong mahal ka namin ng T
Last Updated : 2025-11-29 Read more