“Iha, mag usap tayo.” Sabi ni Mommy. “Sige po. Gusto ko din makausap kayo.” Iginiya ako ni Mommy Ava paupo. Pagkaupo ko palang humagulhol na ako. Niyakap ako niya ako. Alam kong walang kasalanan sila Mommy at gusto lang makatulong. Pero sa ngayon wala akong balak makinig kahit kanino. Sarado ang puso ko dala ng sakit sa nalaman ko. “Para na kitang anak, Demi. Wala akong mukhang maiharap sayo dahil sa ginawa ng anak ko. Wala akong karapatan para manghimasok. Pero isaalang-alang mo sana ang mga anak niyo. Hindi man sabihin ni Eliot ang dahilan sa atin kung totoo man ‘yon o hindi, naniniwala ako sa kanya ng sabihin niyang hindi siya ang ama ng anak ni Mina.” Sabi ni Mommy. Hinawakan niya ang kamay ko. “I know my son, Demi. Yes, he’s cold sometimes, pero hindi siya sinungaling. Hear him out.” Niyakap niya akong muli, hinaplos-haplos niya ang likod ko upang patahanin ako. “Ilang babae man ang dumating, hindi kita ipagpapalit bilang daughter in law ko.” Na-touch ako sa sinabi ng b
Last Updated : 2025-11-23 Read more