Three years later. “Momma! Momma!” Tumakbo palapit sa akin si Dessy, kamuntik pa itong madapa sa kakamadalinh makalapit sa akin. “Careful, anak. Baka madapa ka. Ikaw talagang bata ka. Akala mo naman ang tagal natin hindi nagkita!” “Kaya nga, ma’am eh. Kanina ka pa nga niya hinahanap.” Sagot ng yaya nito ang dala kong supot. Inabot ko sa yaya nito ang dala kong supot: lumabas lang naman ako para bumili ng ibang pangangailangan nito. “Ma’am, may tumawag nga pala kanina ang daddy mo. Tawagan mo daw siya agad pagkauwi mo.” “Sige salamat, yaya.” Bumuntonghininga ako. Alam ko kung bakit tumawag ito. Gusto nitong bumalik na kami ng anak ko. Noong nakaraang taon pa ako nito pinipilit na bumalik. Miss na miss na daw nila ako. Binibisita naman nila ako dito minsan, pero hindi sila nagtatagal dahil mas gusto nila ni Mommy sa pinas. Saka nando’n ang lahat ng anak nito at mga apo. Kami lang ang kulang ng anak ko. Pagkapasok ko sa loob ay pinakain ko muna si Dessy bago ko ito pin
Read more