“Sandali ano’ng kaguluhan ang nangyayari dito?” Tumatawang tanong ni Kuya Eliot kasunod ang asawa nitong si Ate Demi. Narinig naman nito ang sinabi ni Dad pero nakuha pang magtanong upang asarin ako. Yumakap ito kay ate mula sa likuran at hinaplos ang tiyan nito. “Bigyan mo na nang apo si Dad para hindi niya ako pini-pressure na magdagdag pa ng marami. Saka hindi ka na bumabata, baka mahirapan ka ng manganak kapag hindi ka pa nabuntis. Nag aalala kami para sayo.” “Kuya, bata pa ako, wala pa akong thirty. Saka nandiyan naman kayo ni Anya, kayo na lang muna ang magbigay ng maraming apo kay Daddy. Diba, daddy?” Umiling si Dad sa sinabi ko. “No, no, no, anak. Gusto ko rin ng maraming apo mula sa inyo ni Din. Tumatanda na kami ng Mommy niyo. Sumasaya kami kapag nakakakita ng maraming bata sa bahay.” Malambing akong yumakap sa kanila ni Mommy. Hinalikan nila ako sa noo ko at gumanti ng yakap sa kanila. I missed them… yung ganito. Dati-rati kasi ay ganito ako kalambing sa kanila. Na
Read more