(Eliot pov) “Dad, why did you do it?” Sinundan ko ito. Inaamin kong galit ako kay Din. Natural na magalit ako dahil sinaktan niya ang kapatid ko. Walang kapatid na hindi magagalit pagkatapos nitong abandonahin ang kapatid at pamangkin mo. Kahit nga si Lola ay nagalit sa kanya. “Ginawa ko ‘yon para sa kanilang dalawa. Hindi matututo ang kapatid mo at hindi rin matatauhan si Din. Pareho silang may kasalanan. Kung hinayaan kong magkabalikan sila ng panahon na ‘yon, paano ko masisiguro na mabubuhay sila ng masama? Hindi sila magiging masaya, Eliot. Hindi na matatanggal sa isip ni Annaliza ang panunumbat na sinabi ng asawa niya, and that also apply to him. Hindi magiging masaya si Din dahil paulit-ulit din niyang sisisihin ang kapatid mo. Baka mas lalo lang nilang masaktan ang isa’t isa.” “But, dad, it depends on them. Sana hindi ka na nanghimasok. Paano kung hindi na mapatawad ni Annaliza si Din?”
Read more