(Elijah pov) Pagdating sa hospital ay naabutan ko si Celine kasama ang kaibigan nitong si Janna, hindi ako lumapit agad, gusto kong iparamdam sa kanya na hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niyang pambabalewala ng limang taon sa akin. Narinig kong ginising nito si Celine para sabihing dumating ako, naluha agad ito at tumayo, pinigilan ito ng kaibigan nito pero hindi ito nakinig, umiiyak na yumakap ito sa akin, “Baby, dumating ka… please tell me na fake news lang ang balitang ‘yon, na hindi iyon totoo. I know you, alam kong hindi mo magagawang ipagpalit ako sa iba, mahal mo ako… alam kong ako lang ang babaeng minahal mo,” samo nito, Niyakap ko ito, hindi na ako nakatiis dahil mahal ko pa naman talaga siya, pero natigilan ako, wala akong makapa na kasiyahan sa dibdib ko habang nasa bisig ko siya, napansin ni Celine na ang tahimik ko kaya humigpit ang yakap niya at nilambing pa ako,
Huling Na-update : 2025-08-20 Magbasa pa