UMUPO si Mama sa tabi ng kama, nakasandal ang siko niya sa gilid habang nakatingin kay baby Aj na payapang pinapa-breast feed ko.“Anak, iba ’yong glow mo ngayon,” aniya, nakangiting parang may alam. “Hindi lang dahil kay baby ’yan. Iba ’yong ngiti mo kapag si Adrian ang dahilan.”Napayuko ako, pinisil ang kumot gamit ang isa kong kamay dahil para akong kinikiliti sa loob.“Ma, huwag mo naman akong i-tease nang ganyan," mahina kong sabi“Hija, hindi kita tinitukso. Sinasabi ko lang ang nakikita ko. Dati, kahit pilitin ka naming ngumiti, ang bigat ng mukha mo. Ngayon? Parang ang gaan, parang may nakabawas ng kalahati sa mga iniiyakan mo," sabi niya at tumawa siya.Napatingin ako sa kisame, pilit tinatanggal ang ngiting hindi naman talaga umaalis sa labi ko.“Siguro, kasi mas kampante na ako ngayon,” sagot ko. “Kasi si Adrian… he’s trying, Ma. At ramdam ko.”Tumango si Mama, pagkatapos ay marahan niyang hinaplos ang paa ni baby Aj.“Anak, kung masaya ka, masaya ako. Pero gusto ko lang…
Last Updated : 2025-11-30 Read more