NAPASINGHAP ako nang may babaeng naglakad diretso papunta sa opisina ni Calvin. “Ma’am, you’re not allowed to come inside the office of Mr. Richer,” pigil ko sa babae. Humahampas pa ang puwet nito habang naglalakad, parang wala siyang pakialam sa paligid. Huminto siya at dahan-dahang humarap sa akin. Mula ulo hanggang paa, sinukat niya ako ng tingin. “And who are you to stop me?” matamis ang boses, pero may talim. “I’m his executive secretary,” diretso kong sagot. “You need an appointment.” Bahagya siyang natawa. “Appointment?” Tinaas niya ang isang kilay. “Tell Calvin that Andrea is here.” Andrea. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa likod ko. “Ma’am, regardless of who you are, may proseso po tayo—” Hindi na niya ako pinatapos. Binuksan niya ang pinto ng opisina. “Calvin!” tawag niya, parang sanay na sanay. Napalingon si Calvin mula sa mesa niya. Sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon niya. “Andrea.” Hindi iyon tanong. Hindi rin tuwa. Lumapit ako sa pinto. “Sir, I
Ler mais