PAGKABABA namin sa sala tiyempo na dumating si Adrian, kasama si Calvin. Napalingon si Giselle sa akin saka ngumiti ng nakakaloko. Parang biglang lumiit ang sala kahit napakaluwag ng mansyon. “Tulog na ba ang mga bata?” tanong ni Adrian habang lumalapit kay Giselle. “Yes, love…” malambing niyang sagot sabay halik sa labi ng asawa. Napalingon ako sa kabilang direksiyon, pero huli na. Nakita ko na. At mas lalong naramdaman ko ang presensiya ni Calvin sa tabi nila. Nang mag-angat ako ng tingin, nakatitig na siya sa akin. Hindi ko alam ang ikikilos ko sa harapan niya. “Hi,” siya ang unang nagsalita, marahan lang. “Hi,” sagot ko rin, pilit na kalmado. “Day off mo ngayon, alam ko," dagdag niya, may bahagyang ngiti sa labi. Tumango ako. “Oo. Dumalaw lang ako kina Giselle. Alam mo na matagal na kaming hindi nagkikita." Tahimik ang ilang segundo. Ramdam ko ang tingin ni Giselle sa amin, halatang aliw na aliw. “Adrian, may kukunin ka raw sa study, ’di ba?” biglang sabi ni Giselle k
閱讀更多