NAPIPILITAN na umupo ako sa sopa habang hawak ni Sir Adrian ang tasa ng kape. "Sana pagkatapos mong maubos ang kape, umuwi ka na po. Magpapahinga na rin ako," madiing sabi ko. Sumulyap sa akin si amo. Seryoso ang kanyang tingin. Pero, naalarma ako nang tumayo siya at tumabi ng upo sa akin. Imagine, nasa pang-isahang upuan ako, at nakisiksik siya ng upo sa tabi ko. "If that you want, then I will go later, honey. Pero, pa-kiss muna ako..." Nanlaki ang mga mata ko. Bago pa ako napaatras ay kinulong na niya ang mukha ko ng palad niya. Nanlaki ang mga mata ko, pero bago pa ako makapihit ay ramdam ko na ang init ng palad niya sa pisngi ko. Lalong lumapit si Sir Adrian, halos dumikit na ang labi niya sa labi ko. “S-Sir… huwag,” mahina kong protesta, pero walang lakas upang pigilan siya. “Just one,” bulong niya, at bago ko pa mapigilan ay dumampi na ang labi niya sa akin. Mainit at mabigat. Hindi lang 'yon basta halik, para bang matagal na niyang hindi natitikman ang labi ko.
Last Updated : 2025-08-30 Read more