“S-SIR Adrian…” halos pabulong kong nasabi, pero ramdam ko ang panginginig ng tinig ko. Bahagya siyang ngumiti, pero malamig ang titig. “So, ito pala ang dahilan ng bigla mong resignation? Tumakas ka para lumipat dito?” Nanikip ang dibdib ko. Gusto kong sumagot, pero nanatili akong tahimik, hindi alam kung saan magsisimula. “Miss Navarro, this is Mr. Adrian Velasco, our new business partner. He’ll be assisting the manager with recruitment," putol ng secretary mula sa likuran ko. Napaawang ang labi ko ng malaki. Parang gumuho ang lahat ng pinangarap kong bagong simula. Napatingin ako kay Eliza sa labas ng salamin ng opisina. Kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya, pero wala na akong magawa. Muli akong bumaling ng tingin kay Sir Adrian. "P-Paano n'yo po nalaman na rito ako mag-aapply? Saka, sabi po ni Sir Aron nasa Siargao kayo para sa three days ninyong bakasyon." Bahagya siyang natawa, pero walang kasamang saya. “So, my Dad still talks about me, huh?” Dahan-dahan siyang
Last Updated : 2025-09-02 Read more