WE landed at the domestic airport in Siargao. Tinapunan ko ng tingin si Charry sa tabi ko, nakangiti siya sa akin nang matamis. Buong biyahe, panay ang daldal niya. Nakakairita sa tenga. Kumunyapit si Charry sa braso ko habang palabas kami ng private plane nila. "Can you take your hands off me? Hindi ka naman pilay para alalayan pa kita sa paglalakad," mariin kong sabi. Napasimangot si Charry at napipilitang tinanggal ang kamay sa braso ko. Tahimik itong naglakad sa tabi ko, pero ramdam ko ang bigat ng tampo niya. Pasulyap-sulyap siya sa akin, para bang hinihintay kong bawiin ko ang sinabi ko. Hindi ko siya pinansin. Mas inatupag ko ang tanawin sa paligid. Ang mainit na simoy ng hangin at ang liwanag ng araw na tumatama sa palibot ng isla. Sa totoo lang, mas nakakahinga ako kapag hindi siya nakakapit sa akin. Pagdating namin sa may sasakyan na susundo sa amin, saka lang siya muling nagsalita. "Ang sungit mo naman," mahina pero mariing bulong ni Charry, sabay iling. "May I remind
Terakhir Diperbarui : 2025-09-10 Baca selengkapnya