Maaga silang gumising kinabukasan para sa nakatakdang check-up ni Ysabel. Isang linggo ring pinaghandaan ni Leonardo ang araw na ito,mula sa schedule ng driver, listahan ng mga dapat dalhin, hanggang sa vitamins na inilagay niya mismo sa bag ni Ysabel. “Leo, sobra ka namang praning,” natatawang sabi ni Ysabel habang inaayos ang buhok sa salamin. “Check-up lang naman ito, hindi naman tayo mag ba-byahe abroad, ah.” Lumapit si Leonardo at marahang inayos ang kwelyo ng suot nitong dress. “Hindi ito basta check-up, Ysabel. Second trimester mo na. At gusto kong siguraduhin na walang kulang, walang aberya, lahat perfect. Okay?” Napailing na lang si Ysabel, pero lihim na natuwa. Kahit nakakabigat minsan ang sobrang pagka-overprotective ng asawa, hindi niya maikakaila kung gaano ito kaalaga sa kanya. Pagdating nila sa clinic, agad silang sinalubong ng nurse at pinaupo sa waiting area. Hindi ganoon karami ang pasyente pero ramdam ang excitement ng mga magulang na naroon. May ilang ina na ha
Terakhir Diperbarui : 2025-09-24 Baca selengkapnya