HINDI alam ni Gwen kung ano ang gagawin niya ng yakapin siya ng bata. Pero ang hindi niya maintindihan kung bakit kakaiba ang kaniyang naramdaman ng yakapin siya ng bata. Pakiramdam niya gusto niyang yakapin pabalik ang bata at damhin nalamang ang yakap nito.Ngunit kahit na ganon, alam niyang hindi pa ‘rin tama na basta basta nalang siyang yumakap ng bata na hindi naman niya kilala. Napatingin siya sa paligid kung mayroon bang tao doon na maaari niyang mapag tanungan kung kaninong anak ito, ang kaso wala naman siyang nakita. Kung kaya wala siyang choice kundi ang kausapin nalang ito. “A-ah bata, kaninong anak ka ba?” alanganing tanong niya dito. Napahiwalay naman sa kaniya ang bata at tinignan siya nito habang nakakunot ang noo at nagsimula ng umiiyak.“B-bakit po nakalimutan niyo na po kami? Ang tagal ka po naming inantay,” “Ha? Inintay?” hindi makapaniwalang tanong niya dito. “W-wag ka na umiyak bata, hindi naman kita pinapaiyak,” Sinusubukang patahanin ni Gwen ang bata ngun
Huling Na-update : 2025-10-20 Magbasa pa