"I am sorry to hear that...bata ka ba ng maulila," tanong ko dito."Yeah! I'm only 6 at si ate naman nasa 8 years old siya. Dalawa lang kaming namuhay simula noon. May kuya kami pero kinuha siya ng mga tiyuhin namin at hindi pinakita sa amin. Kaya nga inaasam asam namin na soon magkikita din kaming magkakapatid," paliwanag nito.Nagulat ako sa kanyang mga pinag tapat, napaka galing naman nilang magkapatid na nagpatuloy ng buhay kahit na sa pinakamahirap na paraan. Mas maswerte din pa pala ako kahit na papano. Mahirap kami pero hindi ko naman naranasan yung ganyan, may mga magulang naman kaming umaalalay sa amin at mga kapatid na laging nakaalalay. Magtatanong pa sana ako ng biglang makarating na kami sa kusina at hindi na natuloy dahil nandito na ang aking mga kaibigan. Binati agad nila ako at inakay sa likod bahay. Namangha ako, sobrang ganda pala talaga dito at napaka fresh ng buong paligid."Bess...come, see this...OMG, ang sarap mag stay dito. Naligo na kami kanina wala pang gaano
Last Updated : 2026-01-09 Read more