Chapter 149Third Person POV (Solidad side)Sa isang tahimik na bayan sa paanan ng bundok ng San Isidro del Norte, maagang gumigising si Solidad para maghanda ng almusal. Ang araw ay dahan-dahang sumisilip sa pagitan ng mga ulap, tinatamaan ng liwanag ang maliit nilang bahay na gawa sa kahoy at bato.“Julie, anak, gising na. Papasok ka pa sa eskwela,” malambing na tawag niya habang nag-aayos ng mesa.Maya-maya, lumabas si Julie, ngayon ay labindalawang taong gulang na, may mahabang buhok at ngiti na kasingliwanag ng araw.“Good morning, Mommy!” bati nito, sabay halik sa pisngi niya.Kasunod naman si Gabriel, dalawang taong gulang, bitbit ang maliit na laruan niyang kotse.“Mommy Sol, gutom na po ako,” inosente nitong sabi, sabay akyat sa upuan.Ngumiti si Solidad. “Ayan na, baby. Eat well ha? Para lumakas ka.”Habang pinagmamasdan niya ang dalawang bata, napangiti siya nang may halong lungkot. Sa puso niya, alam niyang kulang pa rin ang mundong ginagalawan nila—isang bahagi ng buhay
Last Updated : 2025-10-08 Read more