LOGINTulad nang ipinangako ni Roman kay Heaven, pinakawalan niya ang kaniyang desire at ipinaranas niya sa dalaga ang kaniyang nararamdaman. Wala na siyang pakialam kung masira man niya ang suot na suit nito dahil sa kaniyang pagmamadali na tanggalin iyon sa katawan ng kasintahan. Nagulat pa siya nang naramdaman niya ang kamay ni Heaven na pinipigilan siya sa kaniyang ginagawa. "Ang akala ko ba ay --" Hindi nagawang tapusin ni Roman ang kaniyang sasabihin dahil nagsalita si Heaven, "Hindi natin kailangang magmadali," sabi ni Heaven habang siya ay namumula. "Puwede naman natin itong sulitin nang walang nasisirang damit, hindi ba?" Isang mahinang tawa na lang ang pinakawalan ni Roman bago pa man niya hinalikan ang labi ng dalaga, "Of course. Puwede natin iyong gawin." Bago pa man makapalag si Heaven sa sinabi ni Roman ay naramdaman na lang niyang sinasalakay muli ng lalaki ang kaniyang labi. This time, hinayaan na niya ang lalaki sa gusto nitong gawin sa kaniya. Roman grits his tee
Nang natapos ang event ay hinila na ni Roman si Heaven paalis sa venue. Hindi na niya kayang makita na may iba pang lalaki na attracted sa kaniyang girlfriend bukod sa kaniya. There is no way na hahayaan niya ang ibang lalaki na titigan ang kaniyang girlfriend mula ulo hanggang paa. Thankfully, hindi siya pinahirapan ni Heaven at sumama ito kaagad sa kaniya. "Gusto ko na lang tusukin mga mata ng lalaking tumitingin sa iyo kanina," sabi ni Roman sa dalaga habang nagmamaneho siya pauwi. "Hindi sila marunong makaramdam na taken ka na." "Well, hindi mo rin sila masisisi, ikaw nga mismo, attracted sa akin ngayong gabi eh," sagot ni Heaven sa isang nanunuksong tinig. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Roman. Hindi pa siya puwedeng magpadala sa panunukso ni Heaven dahil nasa daan sila nang sandaling iyon. "Kung alam mo lang na marami rin ang gustong magpapansin sa iyo kanina," sambit ni Heaven sa binata. "Baka hindi ka magtaka sa akin kunv bakit bigla akong naging possessive
Hindi inaasahan ni Heaven na pagtitinginan siya ng mga tao nang pumasok na silang dalawa ni Roman. Ang akala pa nga niya ay nasa binata ang kanilang atensyon. Hindi niya inakala na may isang lalaki na maglalakas loob na lapitan siya kahit na literal pang nakapulupot ang braso ng kaniyang nobyo sa baywang niya. "It is my first time to see someone so captivating," sabi pa ng lalaki sa isang nambobolang tinig. "Puwede ko bang malaman kung ano ang pangalan mo at saang company ka nabibilang?" Isang awkward na ngiti na lang ang ibinigay ni Heaven bago pa man niya ipinakilala ang kaniyang sarili, "I am Azenith Heaven Santiago, representing Maria Antoinette of Baguio Couture," sabi niya agad in a business tone. "And you are?" Hindi na nagawa pang sagutin ng lalaki ang tanong ni Heaven dahil nakita nito ang mapanuring tingin ni Roman. Napalunok na lang ito bago pa man gumawa ng excuse na may kailangan pa itong sunduin sa labas. "What happened?" takang tanong ni Heaven kay Roman na nawa
Hindi pa man sumasapit ang Biyernes ay nasa Baguio na si Roman at tinutulungan niya sa pag-aayos ng mga dadalhing gamit ang dalaga. Hindi lang isang simpleng event ang pupuntahan nila at may impact din sa boutique ang damit na susuotin ni Heaven kaya maingat ito sa pagpili ng gown. "I guess mas lalabas ang authenticity ng boutique kung design mo mismo ang iyong isusuot," sabi ni Roman nang nakita niya na wala pa ring napipili na kahit na ano ang dalaga. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Heaven, "Hindi naman kailangang design ko mismo ang damit na susuotin ko. Ang gusto ko lang ay ma-showcase rin ang gawa ng mga designer na nagtatrabaho sa boutique. Nagkataon lang talaga na wala akong mapili dahil marami akong choices." "Kung iyan ang problema mo ay tutulungan na kita," sabi ni Roman. "Since marami kang pagpipilian ay isusukat mo sila lahat at ako ang magsasabi kung aling damit ang akma para sa event." Bago pa man makapagreklamo si Heaven ay nakita na niyang lumalabas
Dahil na rin sa trabaho ay naging bihira ang pagkikita nina Roman at Heaven. Sa totoo lang ay hindi rin naman iyon nakikita ng dalaga bilang kakulangan sa parte ng binata dahil pareho silang nawawalan ng time para magkita nang personal. Isa pa, bumabawi naman si Roman sa pamamagitan ng video calls and messages na madalas nilang gawin gabi-gabi."Daig pa natin ang nasa long distance relationship ah," pabirong sambit ni Roman nang nakausap na niya sa video call ang dalaga."Ano ang magagawa natin eh pareho tayong busy sa trabaho," sagot ni Heaven. "Personal assistant ka ni Kyle kaya kung nasaan siya ay nandoon ka rin dapat."Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Roman, "Well, hindi ko rin naman inaasahan na bigla niya akong kakailanganin ngayon. Ang akala ko ay okay na siya sa isa niyang personal assistant.""Hindi mo rin naman siya masisisi kung kailangan ka niya ngayon. Afterall, mas alam mo kung ano ang preferences niya."Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Roman, "I miss yo
Ilang araw pang nanatili sina Roman at Heaven sa probinsya bago pa man sila nagpasyang bumalik ng Baguio. Hindi itinago ni Heaven ang pagpapasalamat sa hospitality na natanggap niya mula sa mag-asawa."Kung sakali mang magkakaroon ka ulit ng pagkakataong umuwi ay isama mo si Heaven," sabi ni Miranda sa anak. "Gusto ko pa kasing kilalanin ang girlfriend mo.""Huwag po kayong mag-alala, kapag hindi na po kami busy ay sigurado akong uuwi kami," sabi ni Roman sa ina. "Medyo mas hahabaan na rin namin ang bakasyon para hindi kayo bitin pareho."Palihim na siniko ni Heaven ang binata nang sandaling iyon. Kahit naging close na siya sa nanay nito ay hindi iyon nangangahulugan na sasabihin na rin nito ang nararamdaman niya na nabitin din siya sa pananatili nila roon."Sige na, umalis na kayo at baka gabihin pa kayo sa daan," sabi ni Gilbert sa dalawa. "Mag-text na lang kayo kapag nakarating na kayo sa bahay."Isang tango ang ibinigay ni Roman sa kaniyang ama bago pa man siya nag-aya kay Heaven
Sa paglipas ng mga buwan ay mas naging halata ang paglaki ng aking tiyan kaya mas naging maingat si Kyle sa aking pagbubuntis. Ibinibigay niya lahat ng gusto ko kahit na hindi niya maintindihan ang lasa ng kombinasyon ng pagkaing gusto ko. "Really? Ang akala ko ay tapos ka na sa paghahanap mo ng
"Sorry, pero kailangan mo na talagang makinig sa doktor mo," sabi ni Kyle sa akin nang naabutan na naman niya akong busy sa pag-de-design ng isang gown para sa VIP client ng boutique. "Iwan mo na ang trabahong iyan kay Heaven." Isang ngiti ang aking pinakawalan nang sandaling iyon, "Maiinip naman
Kahit na sabihin pang kasal na kaming dalawa ni Kyle ay hindi iyon nangangahulugan na diretso na iyon sa honeymoon namin. Iba ang plano namin at nagpakasal lang kami kaagad para maging legitimate ang status ng aming pangalawang anak kapag siya ay ipinanganak ko na. Wala rin namang nakakaalam na iki
Tulad ng inaasahan ni Kyle, masayang tinanggap ni Dad ang balita tungkol sa aking pagbubuntis. Iyon nga lang, kahit masaya siya ay hindi niya naiwasan na hindi mag-alala lalo na at hindi pa rin kami kasal nang ako ay mabuntis na naman ni Kyle sa pangalawang pagkakataon. "Ano na ang balak ninyong

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





