POV ni CallaIdinikit ko yung labi ko sa kanya, at parang sumabog yung saya sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag—parang sandaling tumigil yung mundo.Tapos biglang… putok.Yung saya na kanina sobrang gaan, biglang bumagsak sa katawan ko na parang yelo. Nanlamig ako agad.Mahigpit niya akong niyakap, pero iba na yung pakiramdam. Yung katawan niya biglang naging tense, alert. May mga boses na sa walkie talkie niya, sunod-sunod, puro gulo, puro panic.Nagulo lahat.Bigla niya akong binitawan, halos maitulak pabalik sa kama. Tumayo siya agad, mabilis magsalita sa Ruso, sunod-sunod, parang may hinahabol na oras.Kinuha niya yung phone niya, tumawag sa isang numero. Walang sinabi. Binaba agad.“Calla… inaatake tayo. Baby, sumama ka sa’kin.”Nanlamig ako.Hindi ko pa siya nakitang ganito. Si Sinister—yung laging mukhang walang kinatatakutan—biglang parang may bakas ng kaba sa mukha niya.Tumawag ulit siya. May kausap, nagtatanong, sumisigaw, mura, tapos binaba ulit.Hinila niy
Read more