Tahimik ang buong mansyon ng mga Zubiri.Walang musika, walang bulaklak—tanging ulan lang sa labas, pumapatak sa marmol na bubong, tila pinagluluksa ang kasalang hindi kailanman ipinagdiwang.Nakatayo si Stefanie sa tapat ng salamin, suot ang simpleng puting dress na ipinatahi ni Doña Beatriz. Hindi ito kasing ganda ng gown na minsang pinangarap niya noon—pero ngayong kaharap niya ito, parang sapat na. O baka wala na ring saysay kahit maganda.Huminga siya nang malalim.“Let’s just get it over with,” mahinang bulong niya, parang ayaw ding marinig ng sarili.Sa likod niya, si Adrian ay tahimik lang. Nakasuit, maayos ang buhok, ngunit may bakas ng kawalan ng tulog.Nakatingin siya rito sa salamin, at kahit hindi sila nagkakatitigan nang direkta, ramdam ni Stefanie ang bigat ng tingin nito—yung uri ng sulyap na ayaw mong maunawaan, kasi baka masaktan ka lang.“Ready?” tanong ni Adrian, tinutulak ang sarili na magmukhang kalmado.“Yeah,” sagot niya, maikli, pilit, ngunit durog.Paglabas n
Last Updated : 2025-10-19 Read more