POV: StefanieKung ilang beses ko nang narinig ang salitang “okay lang ako”, siguro dapat naniniwala na ako.Pero hindi ako naniniwala kahit sa sarili kong boses.Pagmulat ko ng mata kaninang umaga, una kong nakita—hindi ang puting kisame ng kwarto, kundi ang anino sa labas ng pinto.Nakaupo siya. Nakasandal sa dingding. Tulog.Si Adrian.Ang lalaking hindi natutulog, pero heto ngayon—nakalugmok, parang bantay na napagod kakaprotekta sa isang taong ayaw nang magpaprotekta pa.At hindi ko alam kung matatawa ako, maiinis, o maiiyak.“Bakit ba ang hirap mong kamuhian…” bulong ko habang pinagmamasdan ko siya.He looked so different when he’s not pretending.Walang arrogance. Walang sarcasm. Just… exhaustion.Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya—’yung sakit, ’yung panlalamig, ’yung panlilinlang sa harap ng mundo—bakit ganito pa rin ako? Bakit kahit gano’n, ‘yung puso ko, parang hindi marunong magtanim ng galit, kundi sugat lang?“Mrs. Zubiri,” sabi ng nurse nang pumasok, “we’ll need to bring
Last Updated : 2025-11-02 Read more