Tahimik ang buong bahay nang makabalik ako. Ilang araw na akong walang maayos na tulog, puro headline at crisis meeting ang laman ng bawat oras ko. Wife of Zubiri CEO under fire. Stock manipulation scandal. Board in turmoil.Lahat ng iyon—mga salitang paulit-ulit kong naririnig, hanggang sa parang tinutunaw na ng ingay ang katahimikan sa loob ko.Ngunit ngayong gabi, kakaibang katahimikan. Walang camera, walang flash ng mga reporter. Tanging ang mahinang tik-tak ng antique clock ni Doña Beatriz at ang pagpatak ng ulan sa bintana ang naririnig.Nakasalampak ako sa sofa, may laptop pa rin sa kandungan ko habang sinusuri ang mga email ng PR department. Pero totoo, hindi ko na maintindihan kahit isang linya. Hindi ko na rin alam kung paano pa ako tatayo bukas para harapin ulit ang mundo.“Magpahinga ka na, Stefanie.”Napapitlag ako.Si Adrian, nakasandal sa pintuan ng study room—suot pa rin ang dark suit, pero may
Terakhir Diperbarui : 2025-11-13 Baca selengkapnya