Stefanie's POV “Stefanie, huwag ka muna lumabas ng bahay. May mga paparazzi sa labas ng gate,” maingat na sabi ni Mang Tonyo, ang driver, habang nakasilip siya sa CCTV monitor sa guard house. Napahawak ako sa sentido. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. “Paparazzi? Para kanino? Hindi naman ako artista, Mang Tonyo.” “Hindi nga artista pero trending ka sa social media. May nagsulat ng blog tungkol sa ‘misteryosang nurse’ na parang shadow ni Doña Beatriz,” dagdag niya, medyo nahihiya. “Shadow? Grabe, parang multo lang,” biro ko, pero sa loob-loob ko kinabahan ako. Kahapon lang normal akong nurse, ngayon parang gusto na akong kainin ng media. Pagbaba ko sa breakfast hall, nandoon si Doña Beatriz, kalmado lang, nakaupo sa head of the table na parang hari ng chessboard. Habang iniinom niya ang kanyang tsaa, parang wala siyang pakialam sa ingay sa labas. “Good morning, Doña,” bati ko, kahit halatang pagod ako. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “You don’t look good, hija.
Huling Na-update : 2025-09-06 Magbasa pa