Elara’s POVWalang seal ang sulat.At ‘yun pa lang, sapat na para tumigil sandali ang tibok ng puso ko.Nakalusot ‘to sa ilalim ng pintuan ng kwarto ko bago mag-umaga—walang tunog ng yapak, walang guwardiyang nakapansin. Isang manipis na papel lang, nakatiklop nang maayos, parang ahas na nag-aabang.Ang sulat-kamay ay elegante, sanay, at hindi ko kilala.> “Beware the man beside the throne.His loyalty is not to you, nor the crown, but the empire’s shadow.”Walang pangalan. Walang pirma. Walang bakas kung sino ang nagpadala.Pero may amoy — matamis, parang almond, pero may halong bakal. Lason.May trace ng cyanide sa papel. Hindi sapat para pumatay, pero sapat para magpadala ng mensahe.Isang babala. At banta.Sinunog ko agad ‘yung sulat, pinanood habang kinakain ng apoy ang mga letra hanggang maging usok. Pero kahit abo na, nakaukit pa rin sa isip ko ‘yung mensahe.“The man beside the throne.”Pwedeng sinuman sa mga adviser ni Damian. Ang spymaster. Ang captain ng guard.O baka…Hind
Huling Na-update : 2025-11-06 Magbasa pa