Elara’s POVAng hirap paniwalaan na nandito na ako.Sa penthouse ni Damian.Ang buong lugar parang ibang planeta—malalaki ang glass walls na abot langit ang view ng siyudad, parang kumikislap na alon ng mga bituin. Marble floors na kasing kinis ng yelo, minimalist furniture na parang galing sa magazine. Lahat mamahalin, lahat elegante. Pero kahit gano’n, mas nangingibabaw pa rin ang presensya niya kaysa sa lahat ng ito.Bitbit ko lang ang maliit kong bag, parang turista sa sariling kapalaran.“You’ll stay here,” sabi niya, diretso, habang tinuturo ang isang silid sa kanan. “Bedroom mo na ’yan.”Tumango ako, pilit pinipigilan ang kaba. Pumasok ako sa kuwarto. Malinis, puting-puti ang mga pader, isang king-sized bed na parang pwede kang malunod sa lambot ng kumot. Minimalist style, halos walang personal touch. Parang hotel—oo, pero hindi ito escape. Isa itong hawla na ginintuan.Pagbalik ko sa sala, nakaupo siya roon, nakasandal sa leather couch, hawak ang baso ng whiskey. Tahimik lang
Terakhir Diperbarui : 2025-09-14 Baca selengkapnya