MIRA POV:“Sobrang bait po talaga ni Ma’am Celestine, inay…” mahina kong sabi habang kinakalikot ang cellphone sa kamay ko. Kahit sabi ni Ma’am Celestine, luma na iyon, pero parang di halata kasi nangingintab pa rin, walang gasgas. Halata ngang hindi nagagamit, kasi wala pang ibang apps.Katabi ko naman si Inay, na tahimik lang na pinapanood ako. Di na siguro nakapag-antay, kinuha niya agad ang cellphone. Natatawa akong napapailing na lang, kasi parang batang unang beses nakakita ng laruan ang reaksyon niya.“Paano ba ’to gamitin, anak?” tanong niya, seryoso pero halatang excited.“Sandali lang po,” ngumiti ako. “Lalagyan ko lang po ng SIM.” Ingat na ingat pa akong nilagay iyon at mabilis kong inayos ang settings, pati ringtone, volume, lahat.“Ayan po,” sabi ko habang inaabot ang cellphone, “matatawagan niyo na po ako palagi kahit nasa trabaho pa ako. At para… mahuli ko kayo kapag nagpapagod na naman kayo.”“Oo na po, mahal kong anak,” natatawang sagot ni Aling Carmen.Bigla siyan
Last Updated : 2026-01-19 Read more