THIRD PERSON:"Ahmp!" saglit na napahinto si Aling Carmen, kasabay ng panibagong kirot sa dibdib niya.Napahinto si Aling Carmen sa kanyang paglalakad, bigla niyang naramdaman ang isang matalim na kirot sa dibdib. Pasimple niyang ipinatong ang kanyang kamay, pinakiramdaman ang bawat pintig ng puso niya, at mariing napapikit. Maya-maya pa, naramdaman niyang may lalapit sa kanya. Nang mulat siya ng mata, nakatayo si Doña Celestine sa harap niya, may bakas ng pag-aalala sa mukha."Ayos ka lang ba, Carmen?" tanong ng ginang habang mabilis na lumalapit, halatang nag-aalala."Ayos lang po ako, Ma'am… nasobrahan lang po ata ako sa excitement," paliwanag ni Aling Carmen, pilit na ngumiti. "Unang pagkakataon ko po kasi na makikita si Mira dito sa hotel… “Kaya kinakabahan po ako,” palusot niyang sabi, kahit ramdam pa rin niya ang bahagyang kirot sa kanyang dibdib. Pilit niya iyong binalewala, ayaw niyang makahalata ang ginang. Hindi ito ang tamang oras para mag-alala ang iba sa kanya.Ilang sa
Terakhir Diperbarui : 2026-02-17 Baca selengkapnya