LOGINTHIRD PERSON:Habang pinagmamasdan ni Dominic si Mira na naglalakad sa runway, hindi niya maiwasang maalala ang sinabi sa kanya ni Mr. Adrian kanina.Kanina pa kasi siya nag-aalala.“Mr. Adrian… sigurado ba kayo?” nag-aalalang tanong niya noon. “Hindi sanay si Mira sa ganitong bagay. Baka kabahan siya.”Ngumiti lang si Mr. Adrian noon at bahagyang tinapik ang balikat niya.“Dominic,” sabi nito.“Minsan, hindi dapat natin ikulong ang isang tao sa takot niya.”Napatingin si Dominic sa kanya noon.“Kung palagi mong iisipin na hindi niya kaya,” dagdag pa ni Mr. Adrian, “lalo lang siyang matatakot.”Sandali itong tumingin sa direksyon ng backstage kung saan naghahanda si Mira.“Pero kung ipapakita mong naniniwala ka sa kanya, doon siya magkakaroon ng lakas ng loob.”Bahagyang natahimik si Dominic noon.“At ikaw ang taong kailangan niyang makita doon,” sabi pa ni Mr. Adrian.“Hindi para iligtas siya sa lahat ng oras… kundi para ipakita na nandiyan ka lang sa tabi niya kung sakaling kailanga
THIRD PERSON:Pagpasok pa lang nina Monica at Cyrus sa loob ng studio, agad nang napalingon ang ilang bisita.Halos sabay-sabay na napunta kay Monica ang mga mata ng mga tao.Nakaangat ang baba niya habang naglalakad, elegante, kumpiyansa, na sanay na sanay sa ganitong klaseng atensyon.“Wait… is that Monica Salvador?” rinig niyang bulong ng isang guest.Napalingon ang kausap nito.“Yes… she is.”Ilang segundo siyang pinagmamasdan ng mga ito.Lalong tumuwid ang tindig ni Monica.Mas naging kumpiyansa ang kanyang lakad, parang hawak niya ang buong floor habang dumaraan siya sa pagitan ng mga bisita.Halatang gustong-gusto niya ang mga matang nakasunod sa kanya.“Bakit siya nandito lang?” bulong pa ng isa.“Hindi ba dapat kasali siya sa runway?”Bahagyang napalingon si Monica sa direksyon ng dalawang nag-uusap.Sandaling tumalim ang kanyang mga mata habang nakatitig sa dalawa, na siyang nagpatahimik naman sa mga ito.Parang gusto niyang iparamdam sa kanila na karapat-dapat siyang naroon
THIRD PERSON:“Sandali lang!”Ilang katok pa ang narinig sa pinto bago iyon tuluyang binuksan ni Aling Carmen.Pagkabukas pa lang niya ay agad bumungad ang isang pamilyar na mukha.“Hi, Carmen!” masiglang bati ni Doña Celestine.“I’m sure naabala kita… at aabalahin pa rin kita. I miss you,” dagdag pa ni Doña Celestine bago siya biglang yumakap.Nagulat man si Aling Carmen, natawa na lang din siya. Wala man lang pakialam ang Doña, kahit amoy pawis at tagaktak pa ang pawis niya mula sa maghapon na gawain sa bahay.Mukhang nasanay na lang din si Aing Carmen na ganon si Dona Celestine na walang kaarte-arte.Pagkatapos, gaya ng nakasanayan niyang asal, diretso siyang pumasok sa loob ng bahay, kumpiyansa at natural, na para bang sariling bahay niya ang lugar.Kasunod nito ang dalawang alalay, na may bitbit na mga paper bag ng pagkain. Ang isa naman ay may dalang laptop at maliit na speaker.Napakamot na lang sa ulo si Aling Carmen habang sinusundan sila papasok.“Ma’am Celestine, napabisita
MIRA POV:Nang iniwan muna ako nina Sir Dominic at Sir Adrian at ako na lang mag-isa dito sa loob ng opisina, saka lang parang bumalik ang ulirat ko.Parang ngayon lang ulit gumana nang maayos ang isip ko.At bigla kong pinitik ang noo ko para mawala ang kalutangan ko.“AH! Aray!” napahimas ako sa noo dahil napalakas ang pagkakapitik ko.“Anong hangin ba ang pumasok sa ulo mo, Mira? Bakit ka pumayag? May sumapi ba sayo? huh?” sermon ko sa sarili ko.Napabuga ako ng hangin at napahawak sa ulo ko.“Ayss… nasabi ko ba talaga iyon?” bulong ko habang nanlalaki ang mga mata.“Paano na ’to?!”Napaupo na lang ako sa upuan at napapakagat sa mga daliri ko sa sobrang kaba.“Hindi pa nga ako sanay sa maraming taong nakatingin… tapos bigla kang pumayag na maging muse!”Napapailing na lang ako.“Hay naku, Mira… ano na naman ang pinasok mo?”Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano na naman ang mangyayari sa akin kapag nagsimula na ang event. Napapanood ko lamang dati ang mga ganitong couture show s
THIRD PERSON:Tahimik na naglalakad sina Dominic at Mira sa hallway ng Villaruel Hotel papunta sa opisina nito.Halatang may iniisip parin si Mira habang nakasunod sa kanya.Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit bigla siyang ipinatawag ng special guest ng hotel.Pagdating nila sa pinto ng opisina ay bahagyang kumatok si Dominic bago ito binuksan.Pagkapasok pa lamang nila, biglang tumayo mula sa sofa si Mr. Adrian Klaus.“Mira!...hija!”Masigla itong lumapit at agad na niyakap si Mira na tila matagal na niya itong kakilala.Nanlaki ang mata ng dalaga.“Sir?” gulat na sambit ni Mira habang bahagyang napaatras.Nagtatakang tiningnan niya ang lalaki.Hindi pa niya nakakalimutan kung paano ito parang may pagka-mataray pa nang makausap niya kahapon sa tapat ng resto.Ngunit ngayon, parang ibang-iba ang kilos nito.Bahagyang lumayo si Adrian at pinagmasdan ang dalaga mula ulo hanggang paa.“Hmm…” sabi nito na tila sinusuri pa siya.Pagkatapos ay bumaling ito kay Dominic.“Parang natagal
THIRD PERSON:Pagkalabas nina Dominic at Mira ng ospital, sandali silang huminto sa may harapan ng gusali. Pareho nilang inilibot ang kanilang mga mata sa paligid, tila hinahanap kung nasaan na ang iba.“Teka… nasaan na kaya sila?” tanong ni Mira habang nakatanaw sa kabilang kalsada.Napatingin din si Dominic sa direksyong iyon. Maya-maya ay napailing siya nang bahagya.Sa kabilang kalsada, may isang maliit na food cart na napapalibutan ng ilang tao. At sa gitna ng kumpulan na iyon ay pamilyar na pamilyar ang mga mukhang nakita niya,sina Felix, Rod, Joy, Lisa, at Marites.Abalang-abala ang mga ito sa pagkain, tila ba nakalimutan na ang dahilan kung bakit sila naroon.Napailing si Dominic at napabuntong-hininga.“Ayss… tong mga ‘to. Walang kabusugan,” sabi niya habang nakatingin sa kanila sa di kalayuan.Napangiti naman si Mira sa sinabi niya.“Mukhang gutom lang talaga sila, Sir Dominic” mahinang sagot ng dalaga.“Gutom?” napataas ang kilay ni Dominic. “Parang kanina lang may kinakain
DOMINIC POV:Matapos maipasok si Kaloy sa ER, lumabas na rin ako ng corridor at dumiretso sa waiting area.And then I saw Mira.Naka-upo siya sa mahabang upuan, bahagyang nakayuko habang nilalaro-laro ang dalawang hinlalaki niya. It seemed like she was thinking about something deeply.Kahit hindi s
THIRD PERSON:Pagkarating nila sa harap ng bahay ni Mang Alberto. Maingat na kinatok ni Dominic ang pintuan, at sandaling tumahimik bago ito bumukas. Sa una, halatang nagulat si Mang Alberto, nagtataka sa hitsura ni Dominic at nang mapansin si Mira. At nang makita si Mira ni Mang Alberto sa tabi ni
THIRD PERSON:Dahil makitid ang daan sa lugar, napilitan silang ihinto ang van sa may ibaba ng eskinita.Mula roon ay naglakad na lamang sila.Mas lalong napansin ng grupo na paakyat ang daan, at sa bandang dulo ay may makikitang hagdan na patungo sa mga bahay na nakatayo sa itaas ng maliit na buro
THIRD PERSON:Sa loob ng opisina ng Grand Aurelius Hotel, tahimik na nakatayo lamang si Mang Alberto sa harap ng mesa ng manager. Nakatungo ang kanyang ulo, habang mahigpit niyang pinagdidikit ang kanyang mga kamay para pigilan ang panginginig.Hindi pa man siya nakakapagsalita ay agad na sumabog a







