Naging maganda ang takbo ng Café, walang araw na wala akong Costumer, palaging meron, kahit pa isa-isa, dalawa, o higit pa.. Ang importante hindi nababakante ang café, at lubos ko ng ikinatutuwa iyon.Sa loob ng isang buwan, halos kilala ko na ang mga madalas na nagiging costumer ko maliban sa mga pa ilan-ilan na turista. Marami rin akong natatanggap na magandang reviews from them, at lagi kong sinasabi na if mag te-take ng pictures sila sila nalang at ‘wag na akong isama.. Dahil kahit matagal na, may tinataguan parin ako, at alam kong hindi siya titigil sa paghahanap sakin.Umaga palang ay abala na ako sa pag aayos sa café, ang mga pastry ay nakahanay sa counter, ang kape ay naka-steam sa mga barista pots, at si Jophine, tulad ng dati, abala sa pag-aayos ng mga upuan.Ako naman, nakatayo sa likod ng counter, nag-aayos ng mga utensils, pinagmamasdan ang dagat sa labas.Chill chill lang kami ni Jophine dahil alam naming maaga pa, wala pang costumer panigurado, pero may isang lalaking b
Last Updated : 2025-10-28 Read more