Ang saya ng umaga.Rinig ko ang tawa ni Elias sa bakuran, sabay halakhak ni Sebastian habang hinahabol nila ang bola. Si Sarmiento naman, nakatambay sa gilid, nakangiti habang nanonood.Nakaupo ako sa may terasa, may hawak na tasa ng kape, pinagmamasdan lang silang tatlo, “Papa! catch!” tili ni Elias habang iniitsa ang bola.Pero ilang segundo lang, parang biglang bumagal ang lahat.Nakita kong huminto si Elias sa gitna ng damuhan, nakatingin lang sa bola, nakangiti pero bigla nalang bumagsak ang katawan niya.“E-Elias?!” sigaw ko, nabitawan ko ang tasa at agad na tumakbo papalapit sa anak ko. Namilog ang mga mata ni Sebastian at agad siyang lumuhod dahilan para masapo niya agad si Elias.“Elias! Hey, hey, anak, look at Papa…open your eyes—” nanginginig na tawag ni Sebastian kay Elias habang marahan niyang tinatapik ang pisngi nito, at doon ko lang napansin… nangingisay na si Elias.“Sebastian! A-anong nangyayari?!” halos pasigaw kong tanong, hawak ko na agad ang braso ng anak ko na
Huling Na-update : 2025-11-14 Magbasa pa