Si Lou ay isang abogada na kilala sa kanyang propesyonalismo, talino, at disiplina. Sa loob ng maraming taon, nakasanayan na niya ang buhay ng isang abogada—maaga sa opisina, huli sa bahay, palaging nakayuko sa mga kaso, at halos walang oras para sa personal na buhay. Para kay Lou, ang mundo ay umiikot sa hustisya, deadlines, at mahahabang dokumento. Ngunit sa likod ng kanyang mahigpit na disposisyon, may puso siyang naghahanap ng aliw at kasiyahan, kahit hindi niya ito lantad sa marami.Isang hapon, matapos ang isang mahabang araw ng court hearings at pagpupulong sa opisina, napagdesisyunan ni Lou na pumunta sa isang rooftop bar para magpahinga. Isa itong maliit, eleganteng lugar sa Makati, may tanawin ng mga ilaw ng lungsod na kumikislap sa dilim. Habang iniikot ang kanyang mata sa paligid, napansin niya ang isang lalaki na nakatayo malapit sa bar, nakangiti habang kausap ang bartender.Siya si Stephen Corado.Si Stephen ay piloto, kilala sa kanyang pilyo at walang inuurungan na per
Última actualización : 2026-03-02 Leer más