Mainit ang hapon nang magtipon ang mga tao sa bagong itinayong bulwagan sa gitna ng kabisera. Ang lugar na ito ang magsisilbing simbolo ng pagkakaisa ng hilaga at timog—isang bahay-pulungan para sa lahat ng pinuno at kinatawan ng bawat bayan. Sa kabila ng kasayahan ng mga tao, may nakatagong tensyon na hindi basta mawawala.Si Cassandra, nakasuot ng maringal na bughaw na kasuotan na may burdang pilak, ay tahimik na nagmamasid sa paligid. Sa kanyang tabi ay si Nathaniel, ang kanyang asawa’t hari, na nakasuot ng gintong balabal. Hawak niya ang kamay nito, mahigpit ngunit may lambing, na para bang ayaw siyang bitawan kahit saglit.“Handa ka na ba, Cass?” bulong ni Nathaniel, nakatitig sa kanya na para bang nais basahin ang kanyang isip.Ngumiti siya, pinisil ang kamay ng asawa. “Oo, Nat. Basta ikaw ang kasama ko, wala akong dapat ikatakot.”Ngunit bago pa siya tuluyang makampante, dumating si Marco. Nakasuot ito ng marangal na damit, hindi kasing marangya ng hari, ngunit sapat para ipaki
Last Updated : 2025-09-12 Read more