“...HINDI NA KAMI MAG-AAWAY NI DAMION.”Nanlaki ang mata ng lola. “Talaga?”“Opo,” sagot ni Czarina, may bahagyang ngiti. “Hindi ko naman po balak na patagalin ’yon. Gusto ko lang siyang asarin nang kaunti.”Alam ni Damion—sa bawat hibla ng katawan niya—na kasinungalingan si Czarina. Ramdam niya ang lamig, ang distansya, ang galit na pilit tinatago.Pero kahit gano’n, ngumiti pa rin siya. Isang ngiting puno ng pag-asa.“Salamat, Czarina,” masaya niyang sabi. “Alam ko naman, hindi ka petty na tao.”Sa loob-loob ni Czarina, gusto ng sumabog ang puso niya sa matinding galit.“Hindi pa tayo tapos, Damion. Ngayon lang ’to, para kay Grandma,” bulong sa sarili, nanlilisik ang mga mata kay Damion.” Pero mamaya… magbabayad ka.”Isang misteryosong ngiti ang sumilay sa labi niya, banayad sa tingin, pero may bahid ng panganib.Hindi iyon napansin ni Damion. Hinawakan niya ang kamay ni Czarina at nagtanong na parang walang nangyari, “So… anong gusto mong kainin pag-uwi natin?”“Anything,” sagot niy
최신 업데이트 : 2026-02-07 더 보기