“AND I’M NOT EVEN TRYING TO HIDE IT.”Napatawa si Czarina. Pilit niyang pinigil ang ngiti habang sinalubong ang titig ni Damion. “Yes, yes,” biro niya. Bahagyang nilakihan ang mga matang nakatitig kay Damion. “I’ll look at you properly now.”Gusto sana niyang pagbigyan ang lambing nito, konting suyo, konting titig, sapat na para sumaya ang asawa niya. Pero bago pa man siya makapagsalita, biglang yumuko si Damion at hinalikan ang mapupulang labi niya.“Damion!” bulong ni Czarina, agad na namula. “In public!”Ngumiti si Damion, parang batang nakapagnakaw ng kendi. “I just wanted to give you a kiss,” aniya, walang bahid ng pagsisisi. Namumugay ang mga mata, parang bata kung magsalita. “Hindi ba pwede?”Napailing si Czarina, naaaliw. Ang mga mata niya’y kumikislap, inis na may halong kilig.Sa di kalayuan, napatigil si Cassidy. Ang eksenang iyon—ang ngiti ni Damion, ang lambing sa mga mata niya—isang bersyong hindi niya kailanman nasilayan noon. At ngayon, ibinibigay iyon sa ibang babae.R
Last Updated : 2026-02-02 Read more