LOGIN
HALOS MADULAS sa pagtakbo si Camilla, hindi siya nakapagsuot ng matinong sapatos o tsinelas man lang dahil sa natanggap na tawag mula sa teacher ni Kelly.
Nagtutumining sa kaniyang mga tainga ang mga salitang binitiwan ni Teacher Joan nang tawagan siya nito. ‘Mommy, sinugod namin si Kelly sa ospital. Nahihirapan kasi siyang huminga at nagkukulay blue na ang mga labi...’ Alam niyang mabilis mapagod si Kelly, pero ano iyong nagkukulay blue raw ang mga labi nito? “Doc!” sigaw niya sa doktor na nakitang lumabas sa emergency room kung saan daw naroon si Kelly. “Doc, ako si Mrs. Limjoco. Mommy ni Kelly. K-kumusta siya?” Pinakatitigan siya ng doktor bago ito huminga nang malalim at inimbitahan siyang maupo muna. Hindi niya gusto ang kaseryosuhan nito na tila ba may napakabigat na balita itong ihahatid sa kaniya. Pumalo sa kaba ang kaniyang puso. “Mrs. Limjoco... hindi ko alam kung bakit hindi ninyo kaagad napansin ang signs pero… si Kelly ay may severe congenital heart disease. Late na siya na-diagnose kaya sobrang hina na ng puso niya at naapektuhan na ang iba pang organs. Kung operahan ngayon, halos wala nang chance na makaligtas pa siya—kaya’t sa totoo lang, isang buwan na lang ang taning ng anak ninyo.” Tila sinuntok sa sikmura at dibdib ang pakiramdam ni Camilla. Mabuti na lamang at nakaupo siya dahil kung hindi ay tiyak na babagsak siyang tila nauupos na kandila. “Bakit?” pabulong niyang tanong. “Alam kong mabigat pakinggan,” wika muli ng doktor. “pero sa nalalabi niyang oras, ang pinakamahalaga ay huwag nating pasasamain ang loob niya. Kapag sobra siyang nai-stress o nalulungkot, mas bibilis ang paghina ng puso. Iparamdam na lang natin sa kanya ang pagmamahal at kasayahan, dahil iyon ang pinakamahalagang maibibigay ninyo ngayon.” Lutang ang pakiramdam ni Camilla. Bakit hindi kaagad niya nalaman na malubha pala ang sakit ni Kelly? Ang akala niya ay simpleng asthma lamang iyon. Masama ba siyang ina? Pabaya? Limang taong gulang na si Kelly pero bakit wala siyang napansing anumang senyales ng malubha nitong karamdaman? “Ma?” Tila may pumitik sa harapan ni Camilla nang marinig ang boses ng anak. Naroon na pala siya sa silid nito sa ospital, hindi niya maalala kung paano siya napunta roon ngunit binigyan niya ng napakatamis na ngiti ang anak. “Ano po yun? Kumusta ang pakiramdam mo, anak?” Tumitig sa kaniya ang mabibilog na mga mata nito. “Uwi na po tayo.” “Oo sige. Uuwi na tayo, birthday mo bukas di ba? Gusto mo bumili tayo ng cake at balloons?” pilit niyang pinasigla ang tinig. “Pupunta po ba si Papa bukas?” Kagyat siyang natigilan ngunit agad na tumugon. “Oo naman, birthday mo, e. Syempre pupunta siya.” Nagliwanag ang mukha ng bata. “Talaga po? Yay!” “Oo, anak... Pangako...” NAKADALAWANG RING ang kabilang linya bago may tumanggap ng tawag. “Hello—” “Nasaan si Philip?” diretsang tanong ni Camilla. “May importanteng bagay pong inaasikaso si—” “Mas mahalaga ang pakay ko sa kaniya kaysa sa kahit na ano pa. Nasaan siya?” Narinig niya ang pagbuntung-hininga ng sekretarya ni Philip, halatang inis na ito sa kaniya. Kungsabagay, kahit noon naman ay hindi siya nito kinikilala at nirerespeto bilang asawa ng amo nito. “Um-attend po ng birthday ni Ms. Angsioco—” “Saan?” Muli, ang malalim na buntunghininga. “Dito sa Regalia Heights po—” “Hintayin mo ako riyan.” Hindi na niya tinapos ang tawag. Nagtungo na siya sa nasabing hotel. At hindi naman siya binigo ng sekretarya ni Philip, bagama't alam niyang inis ito sa kaniya ay wala itong choice kundi ibigay ang nais niya dahil kahit baliktarin ang mundo ay asawa pa rin siya ng amo nito na si Philip Limjoco. Inakay siya nito patungo sa isang restaurant ng hotel. Pagkatapos ay sa isang VIP room na bahagyang nakaawang ang pinto. Doon ay dinig niya ang masayang kwentuhan ng mga nasa loob. “... tama naman di ba? Kung hindi lang nagpabuntis sa iyo ang haliparot na ‘yon, e di sana kayo pa rin ni Shaira!” Napahinto sa akmang pagkatok si Camilla. Hindi niya kilala ang nagsalita ngunit dahil sa binanggit nitong pangalan ay alam na niya kung sino ang kausap nito. “Tuso ang babaeng ‘yon,” boses ni Philip. “Sinigurado niyang mabubuntis siya sa isang gabi lang, malay ko ba kung ako nga ang ama ng bastardang tiyanak na ‘yon.” Tawanan. Ang lutang na pakiramdam ni Camilla magmula pa nang kaniyang malaman ang kondisyon ni Kelly ay biglang nag-init. Matatanggap niyang tawagin siya ng mga ito sa kung anu-anong pangalan ngunit hindi ang kaniyang anak. Ang kanilang anak. Sariling laman at dugo ni Philip ang bata. Tinulak niya pabukas ang pinto at gulat na napalingon sa kaniya ang tatlo kataong naroon. Si Philip, katabi ang Ms. Angsioco na tinutukoy ng sekretarya nito, walang iba kundi si Shaira—ang ex ng kaniyang asawa. Sa harap ng mga ito ay isang lalaki na malaki ang pagkakahawig kay Shaira. “Camilla...” ang malamig na turan ni Philip. “May kondisyon na ako para sa anullment natin,” ang malamig din niyang tugon. Huminga nang malalim si Philip at nilingon ang mga kasama. “Lalabas muna ako para makausap—” “Bakit pa?” kunot-noong agap niya. “Sasabihin mo rin naman sa kanila ang napag-usapan natin lalo na riyan sa kabit mo, kaya bakit—” “Camilla!” sigaw ni Philip. “Aba't tarantado pala ‘tong babaeng ‘to, e!” sabad naman ng isa pang lalaki at dinuro siya. “Kung hindi dahil sa kakatihan mo, sina Philip at ang kapatid ko ang magkasama ngayon! Tapos may gana ka pang tawagin siyang kabit—” “Asawa ko sa papel at sa mata ng mga tao si Philip kaya kahit saan tayo makarating ay kabit ‘yang kapatid mo!” maanghang niyang banat. Wala na siyang pakialam kung umusok man ang bumbunan ng mga ito. Ang mahalaga ay si Kelly. “Bawiin mo ang sinabi mo bago—” “Kuya, tama na...” ang mahinahong saway ni Shaira habang nakayuko at nakasandal kay Philip. Animo'y matimtimang babae na hindi gumagawa ng kalaswaan kasama ang asawa ng iba. Nag-angat ito saglit ng tingin sa kaniya, kaawa-awa ang ekspresyon ng mga mata at tila maiiyak pa. ‘Ang galing na artista,’ aniya sa isipan. “Totoo naman ang sinabi niya, k-kabit ako.” At sumubsob ito sa mga palad at umiyak. Nanlilisik ang mga mata ni Philip nang lingunin siya nito. “Pagkatapos mong sirain ang relasyon namin, hindi ka pa rin ba nakukuntento? Kung anu-ano pang pinagsasasabi mo kay Shaira. Bawiin mo yun at humingi ka ng tawad!” Huminga siya nang malalim, wala siyang pakialam sa dama ng mga ito. “Narito ako para sabihin ang kondisyon ko ukol sa annulment natin, makinig ka dahil kung hindi mo ito susundin ay mabubulok ka kasama ko at lalong hindi kayo liligaya.”PAGKAKITA NI Davian kay Camilla ay otomatikong nagliwanag ang mukha ng lalaki. Nagpaalam ito sa mga kausap at patakbong lumapit sa kotse.“Hey!” anito. Ni hindi na nahintay na pagbuksan pa siya ng pinto ni Tucker at siya na mismo ang nagbukas ng pinto sa kaniyang side. Umusog na lang si Camilla para bigyan ng espasyo ang lalaki. “What are you doing here? Saan ka galing?”Nagkatinginan sila ni Tucker mula sa rearview mirror at nagngitian.“Ganito kasi...” At sinimulan na niya ang pagkukwento, sa haba ng salaysay niya ay nauwi sila sa opisina ni Davian dahil may kukunin daw ito. Hanggang doon ay tuloy-tuloy ang kwento niya na kung saan-saang panig na ng bangungot niyang relasyon kay Philip.“So, ano ang balak mo?” anito nang magsawa siya sa kara-rant.Nagkibit-balikat siya. “Ano pa? E di kunin ang nararapat sa amin ni Kelly. Maipagpagawa ko man lang ng mas maayos na musoleo ang anak ko.”Huminga nang malalim si Davian bago binuksan ang pinto na may kumakatok. Nanatiling nakatitig sa kaw
“KUNG INAAKALA MO na maisasalba mo pa ang kasal natin dahil sa pekeng papeles na iyan ay nagkakamali ka,” ani Philip kay Camilla. “At kung totoo man iyan—which I highly doubt—so what? Sa akala mo ay kaya mong patakbuhin ang kompanya on your own? Nagpapatawa ka talaga, baka akala mo ay hindi ko alam na saksakan ka ng b0b@!”Napangiti na lamang si Camilla. Talaga palang mas mababa pa sa putik ang tingin sa kaniya ni Philip. Ang akala siguro nito, porke't sa isang state university lamang siya nagtapos ng pagaaral at hindi sa isang kilalang pamantasan gaya ng St. Ithuriel University ay totoo na nga ang mga pinagsasasabi nito sa kaniya. Na siya ay b*b0.Hindi nito alam na sa kabila ng pagiging swimmer sa kanilang unibersidad ay nagawa niyang pagsabayin ang athletics at academics, nagtapos siya bilang magna cum laude sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Bukod sa natamo niyang latin awards ay may mga karagdagan pa siyang parangal na natanggap kaugnay sa nasabing kurso.
“A, OK.” SIMPLENG tugon ni Camilla nang matanggap ang tawag ni Rica. Gusto siyang papuntahin ni Philip sa ospital kung saan sinugod si Shaira, inatake raw ng anxiety ang babae nang dahil sa kaniya.Natawa na lamang siya. Talagang nakapag-drive pa nga ang babaeng ’yon hanggang Manila bago inatake ng kung anumang karamdaman nito. Ang galing naman. At siya raw ang may kasalanan.‘Mema,’ aniya sa isip bago muling nagsalita sa cellphone, “Since, ’yang amo mo ang may kailangan sa akin. I demand na sunduin ako rito ng company car o ng chopper. Malayu-layong biyahe rin ang Laguna to Manila, baka mamatay na lang si Shaira ay wala pa ako riyan,” sarkastikong wika niya.Hindi kaagad nakasagot si Rica, pero mayamaya ay... “Y-yes, Ma'am. I'll arrange the chopper ride for you. Makikipag-coordinate na rin po ako sa malapit na building sa inyo para sa landing pad.”“Good. Ipasundo mo na lang ako rito sa bahay.” In-end call na niya kahit hindi pa nakasasagot si Rica. Hindi naman sa pagiging bastos, ka
HINILA NI CAMILLA nang malakas ang buhok ni Shaira pagkatapos ay sinipa ito sa alak-alakan hanggang sa ito ay mapaluhod. Gamit ang kabilang kamay, tinulak niya ang batok ni Shaira pababa at pinisil iyon nang mariin. Halos humalik ito sa lupa.“Bitiwan mo ako! Baliw ka na! Sira-ulong taong-bundok!” sigaw pa rin nito habang pilit na kumakawala. “God! I don't know what Don Fausto saw unto you! Hindi ka deserving sa lahat ng kabutihan niya!” Halos mapaiyak na ito pero talakera pa rin.Dinukdok niya sa lupa ang ulo nito pero nang banggitin nito ang pangalan ni Don Fausto ay tila may kung anong kumalabit sa kaniyang alaala. Nawalan ng lakas ang mga braso niyang nagpapaluhod kay Shaira kaya ito nakawala. Itinaas nito ang kamay para gumanti, pero nasunggaban agad niya ang mga braso nito.“Akala mo ba, kapag nawala ako, magiging mayamang-mayamang Mrs. Limjoco ka?” mariin niyang wika matapos luminaw sa kaniyang alaala ang pamana ni Don Fausto. “Alam mo ba kung paano inayos ni Lolo ang mana nami
MATAPOS MARINIG ang mga kwento ni Philip ukol kay Camilla ay biglang tinubuan ng lakas ng loob si Shaira na komprontahin ang babae. Talagang nag-drive siyang mag-isa patungo ng Laguna para lang makita ito at lait-laitin.“Akala siguro niya, mas better na siya sa akin dahil lang dala niya ang apelyido ni Philip. Nakakatawang babae. Pinulot saglit sa putikan para lang ibalik at lalong maputikan.”Tawa siya nang tawa. Pakiramdam niya ay nakaganti na siya kay Camilla matapos nitong sirain ang ilusyon niya na maikakasal sila ni Philip. Limang taon din nilang tinago ni Philip ang kanilang relasyon para lang hindi masira ang imahe ng lalaki sa madla at sa lolo nito. Napabuga ng hangin si Shaira nang maalala si Don Fausto Limjoco—ang lolo ni Philip. Ito kasi ang promotor ng pagpapakasal ni Philip kay Camilla. Dapat daw ay panindigan ng apo nito ang batang dinadala ni Camilla upang hindi maging kahiya-hiya ang babaeng iyon. Kapag daw hindi pumayag si Philip ay tatanggalin nito sa last will an
ISANG MALUTONG na sampal ang pinadapo ni Camilla sa pisngi ni Philip. Sa labis na pagkabigla ng lalaki ay hindi ito nakapagsalita at hindi naibaling ang mukha pabalik sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata nito habang dahan-dahang humaharap muli, pati ang kamay nitong ipangsasapo sa nasaktang pisngi ay nanginginig.“Y-you... Y-ou j-just slap—”“The fvck, I did,” gigil niyang agap. “At hindi lang ‘yan ang matatanggap mo oras na bastusin mo pa kaming muli ng anak ko.” Nanginginig na rin ang buong katawan niya at pakiramdam niya ay nag-iinit ang kaniyang anit. Isang hindi magandang salita pa ni Philip ay baka hindi na niya ito matantiya. Pero sa pagkabigla niya ay tumawa ito nang mahina.“Palaban ka na talaga ngayon, I like it.” Dinilaan pa nito ang mga labi habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa. “Ano? Gusto mo bang gumawa muli ng—what the fvck?! Jesus! Ibaba mo ‘yan, Camilla!”Siya naman ang natawa nang halos magkandarapa sa pag-atras si Philip habang nakataas ang mga kamay. Tinutvka







