Share

CHAPTER 2

Author: Iris
last update Last Updated: 2025-09-06 00:18:43

“CAMILLA...” GIGIL na wika ni Philip.

Hindi niya pinansin ang nagbabaga nitong mga mata. “Gusto kong magmula bukas—birthday ni Kelly—ay samahan mo siya parati at iparamdam sa kaniya na isa kang ulirang ama. Gawin mo lang iyan sa loob ng isang buwan at pagkatapos ay wala na tayong pakialaman. Pipirmahan ko nang matiwasay ang annulment papers natin kahit wala kang ibigay na kahit na ano sa akin. Yun lang ang kondisyon ko.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Philip at akmang sasagot ngunit pumitada na naman ang kapatid ni Shaira.

“Ang kapal naman pala talaga ng mukha mo! Gagamitin mo pa talaga ang bastarda ninyo—”

“Tumahimik ka!” bigla niyang sigaw. Hiindi niya ito papansinin kung hindi lang sa bansag nito kay Kelly. “Wala kang kinalaman sa usapan namin kaya huwag kang makisali!”

“Ikaw itong basta na pumasok dito habang nag-uusap kami tapos—”

“Dennis, tama na. Ako na ang bahala rito,” saway ni Philip bago siya muling hinarap. “Ano na naman bang pakana ito, Camilla? Bakit pati si Kelly ay nadamay? Ganiyan ka na ba talaga kadesperada na masilo ako?”

“Phil...” mahinang wika ni Shaira. “Phil, pumayag ka na. Simple lang naman yun, e. Isang buwan kasama ang bata. May tiwala naman ako sa iyo na hindi ka magpapadala sa mga istilo ng asawa mo. Pumayag ka na... para sa atin din ito.”

Ang ekspresyon ni Philip ay agad na lumambot. “Napakamaunawain mo talaga, Shai. Ano na lang ang gagawin ko kung wala ka?” Nang bumaling sa kaniya ang lalaki ay singtigas nang muli ng bato ang ekspresyon ng mukha nito. “Isang buwan. Malinaw na usapan iyan at dinig nina Shaira at Dennis. Isang buwan kasama si Kelly at wala nang iba. Nagkakaintindihan ba tayo?”

Tumaas ang isang sulok ng kaniyang mga labi. “Para kay Kelly lamang ito.” Inilahad niya ang palad dito upang makipagkamay...

SA TAHANAN NG mga Limjoco nagpahatid si Camilla kasama si Kelly. Kung tutuusin ay doon sila dapat naninirahan na mag-anak, ngunit mas pinili ni Philip na manirahan sa condo na malayo sa kanila. Halos hindi pa nakikita nang personal ni Kelly ang sariling ama sa loob ng limang taon nitong pag-iral. Tanging sa tv o internet lamang nasisilayan ng bata ang ama. At ngayong may pagkakataon nang magsama ang mga ito ay iyon na ang pinakahuli. Dahil ang kaniyang si Kelly, ang nag-iisang tao sa mundo na alam niyang nagmamahal sa kaniya nang lubusan bilang isang kadugo ay kukunin na sa kaniya.

‘Hindi pa ba sapat ang trahedyang pagpapakasal ko kay Philip? Kailangan ba talagang ganito kalala ang parusa sa akin gayong hindi ko naman kasalanan ang lahat?’

“Umiiyak po ba kayo?” tanong ni Kelly habang nakaunan sa kaniyang mga hita. Sakay sila noon ng kotse patungo sa bahay.

“Hindi naman, anak,” tanggi niya.

“OK po... Akala ko po kasi umiiyak kayo dahil maysakit ako—huwag n'yo pong sasabihin kay Papa na maysakit ako, a? Baka kasi umiyak siya.”

‘O, anak ko...’

Parang binabarena ang kaniyang puso sa labis na kainosentehan ng bata.

“Oo naman...”

Pagdating sa bahay ay tinanong kaagad ni Camilla ang katulong, “Nariyan na ba ang Sir mo?”

“Opo, Ma'am. Nasa study.”

“Talaga, Ma?! Narito si Papa?!” Tila manikang may bagong baterya si Kelly. Nagkaroon ito bigla ng lakas at sigla.

Napangiti siya. “Oo, anak. Puntahan mo na siya, pero dahan-dahan ka lang, a. Baka hingalin ka.”

“Yay!”

Sinundan ni Camilla ang bata hanggang sa pumasok ito sa study kung saan naroon nga at nakaupo si Philip.

“Pa?” mahinang wika ni Kelly na tila nag-aalangan pa.

NARINIG NI PHILIP ang pagdating nina Camilla at Kelly, ngunit wala siyang lakas na salubungin ang mga ito, ayaw niya. Kung pwede lamang na umalis na siya ay ginawa na niya, ngunit hayun siya at nakamata sa maliit na mukha na nakasilip sa pintuan ng study. Isang maliit na bersiyon ni Camilla.

Nakakasuka.

Pinilit niyang ngumiti at dinampot ang maliit na paperbag sa tabi. Iniumang niya iyon sa bata na agad namang nagliwanag ang mukha bago lumapit at tinanggap iyon.

“Happy Birthday...” mahina niyang sabi.

“Say thank you, anak,” ani Camilla na nasa likuran pala nito.

“Thank you, Papa...” Nagniningning ang mga mata ng bata at sa katiting na saglit ay tila hinaplos ang puso ni Philip.

“Buksan mo na,” sabi muli ni Camilla.

Agad namang tumalima ang bata ngunit ang masaya nitong ekspresyon ay unti-unting lumamlam.

Isang gold watch ang lamang ng kahon.

“A-ang ganda po,” mahinang wika ni Kelly na muling nanumbalik ang saya.

Napansin ni Philip na nabura ang sigla sa mukha ni Camilla pagkatapos ay pinatong ang kamay sa balikat ng bata. “Halika na, anak. Gabi na, magpahinga ka na.”

Agad na tumalima ang masunuring bata. Nang silang dalawa na lamang ni Camilla ang nasa silid ay hinarap siya nito.

“Fifth birthday lang ni Kelly. Gold watch? Seryoso ka ba?”

“Anong oras na? Wala na akong mabibilihan ng pambatang regalo. Mabuti nga pumayag si Shaira na hiramin ko muna yung regalo ko dapat sa kaniya para ibigay riyan sa bata.”

Matagal na nawalan ng kibo si Camilla pero mayamaya ay...

“Basahan mo man lang ng bedtime stories yung bata. Bumawi ka naman—”

“Wala akong alam na bedtime stories—”

“Ako na ang magbabasa, samahan mo kami sa kwarto—”

Ang lakas ng tawa niya. “Nakakapangilabot na talaga ‘yang desperasyon mo na masolo ako, ano? Talagang kahit sa kwarto ng bata—”

“Ano namang ikinatatakot mo? Di ba may tiwala naman sa iyo si Shaira na hindi ka padadala sa istilo ko?” sarkastikong tanong nito.

“THE NEXT DAY, when Jack woke up in the morning and looked out of the window, he saw that a huge beanstalk had grown from his magic beans. He climbed up the beanstalk and reached a kingdom in the sky.”

Napabuga na lang ng hangin si Philip habang minamasdan ang mag-ina habang binabasahan ni Camilla ng kwento ang bata. Kating-kati na siyang umalis pero kailangan niyang magtiis.

‘Isang buwan lang... Konting tiis lang...’

Palinga-linga siya sa silid na iyon at kaniyang napagtanto na noon lamang siya nakapasok sa silid ng anak.

“Ma, gusto ko pong uminom ng gatas.”

Ang tinig ni Kelly ang nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan.

“Sige, anak. Magtitimpla ako.”

Nang makalabas ng silid si Camilla ay napako ang atensiyon ni Philip sa bata. Titig na titig ito sa kaniya na tila may nais sabihin kaya nilapitan niya ito. Naupo siya sa silyang nabakante ni Camilla.

“May problema ba?” aniya.

Tipid na ngumiti ang bata pagkatapos ay sinundot ng maliit nitong daliri ang kaniyang pisngi. “Totoo ka nga po... Narito ka nga po, Papa…”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE    CHAPTER 5

    “MA?” Pilit pinakalma ni Camilla ang sarili nang marinig ang maliit na tinig ng anak. Nilingon niya ito at nginitian. “Kumusta ang pakiramdam mo?” Ngumiti nang kaunti si Kelly. “OK lang po, basta OK ka.” Humanga siya sa sariling kakayanan na pagmukhaing kalmado ang sarili sa kabila ng nag-aalimpuyo niyang kalooban. “Oo naman, OK ako, anak.” “Mama, nagalit yata sa akin si Papa.” Nangilid ang luha nito. “Ha?” pagmamaang-maangan niya. “Bakit naman siya magagalit sa iyo, e ang bait-bait mo.” Humikbi ito. “Kung hindi siya galit sa akin, bakit hindi niya tinupad ang sinabi niya na susunduin niya ako?” “Anak, busy lang si Papa mo.” At pinagtatakpan pa rin niya ang walanghiyang lalaki para lang hindi pasamain ang loob ng bata. Nagsunud-sunod ang paghinga ni Kelly hanggang sa napaubo ito nang walang tigil. Hiningal ito at kinabog-kabog ang dibdib. Lumukob ang kaba sa buong pagkatao ni Camilla. “Kelly? Kelly, anak, anong masakit? Hindi ka ba makahinga? Anak dadalahin kita sa ospital!”

  • THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE    CHAPTER 4

    AKALA PA naman niya ay seryosong nagpapakaama na si Philip. Bigla ay naawa siyang muli kay Kelly. Ang natatanggap ni Kelly mula sa ama nito ay ang tinatawag na bare minimum ngunit maligayang-maligaya na roon ang kaniyang anak. ‘Wala, e... Mas matimbang sa kaniya si Shaira kaysa sa sarili niyang dugo at laman...’ Nahinto lamang siya sa pagdaramdam nang tumunog ang alert tone ng kaniyang cellphone. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pamilyar na pangalan sa kaniyang inbox na kaytagal na niyang hindi nakikita. Nag-send lamang ito ng larawan ng isang plane ticket. Ang schedule ng flight ay sampung araw mula noon at ang destinasyon ay sa Pilipinas. Napalunok siya... GAYA NG INAASAHAN ni Philip ay nakawala nga siya sa meeting bago mag-alas diyes ng umaga. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang pulong na iyon, kumbaga sinisiguro lamang niyang nasa kaniya pa rin ang loyalty ng shareholders ng kumpanya. At matapos ang ilang bolahan at palaparan ng papel ay hayun siya at susunduin na ang

  • THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE    CHAPTER 3

    HINDI NAPIGILAN ni Philip ang mapangiti. “Of course, narito ako. Kanina pa nga.” Nilaro ni Kelly ang mga daliri nito. “Hindi lang po kasi ako makapaniwala...” “Bakit naman?” “Kasi po alam ko naman na ayaw mo sa amin ni Mama. Kaya ka nga po hindi umuuwi, e.” Natigilan si Philip. Hindi naman niya intensiyon na sadyang balewalain ang bata, ngunit hindi niya pansin na kahit pala sa murang edad nito ay nahahalata na nito ang mga ganoong bagay, o baka naman... “Papa, sana po maging OK na kayo ni Mama. Mabait siyang mama. Sana po umuwi ka na po palagi para may kasama siya—” “‘Yan ba ang turo niya sa ‘yo?” Hindi siya makapaniwala kung gaano kasahol si Camilla. Talagang bini-brainwash na nito ang bata at tinuturuang maging kasingtuso nito. At talagang may script pa, ha. ‘What a rotten liar...’ “Hindi po...” Bumangon ito at kinuha mula sa bureau ang isang maliit at pink na notebook. Binigay nito iyon sa kaniya. “Nariyan po ang daily thoughts ko, basahin mo po para makita mo kung gaano

  • THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE    CHAPTER 2

    “CAMILLA...” GIGIL na wika ni Philip. Hindi niya pinansin ang nagbabaga nitong mga mata. “Gusto kong magmula bukas—birthday ni Kelly—ay samahan mo siya parati at iparamdam sa kaniya na isa kang ulirang ama. Gawin mo lang iyan sa loob ng isang buwan at pagkatapos ay wala na tayong pakialaman. Pipirmahan ko nang matiwasay ang annulment papers natin kahit wala kang ibigay na kahit na ano sa akin. Yun lang ang kondisyon ko.” Nagsalubong ang mga kilay ni Philip at akmang sasagot ngunit pumitada na naman ang kapatid ni Shaira. “Ang kapal naman pala talaga ng mukha mo! Gagamitin mo pa talaga ang bastarda ninyo—” “Tumahimik ka!” bigla niyang sigaw. Hiindi niya ito papansinin kung hindi lang sa bansag nito kay Kelly. “Wala kang kinalaman sa usapan namin kaya huwag kang makisali!” “Ikaw itong basta na pumasok dito habang nag-uusap kami tapos—” “Dennis, tama na. Ako na ang bahala rito,” saway ni Philip bago siya muling hinarap. “Ano na naman bang pakana ito, Camilla? Bakit pati si Kelly ay

  • THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE    CHAPTER 1

    HALOS MADULAS sa pagtakbo si Camilla, hindi siya nakapagsuot ng matinong sapatos o tsinelas man lang dahil sa natanggap na tawag mula sa teacher ni Kelly. Nagtutumining sa kaniyang mga tainga ang mga salitang binitiwan ni Teacher Joan nang tawagan siya nito. ‘Mommy, sinugod namin si Kelly sa ospital. Nahihirapan kasi siyang huminga at nagkukulay blue na ang mga labi...’ Alam niyang mabilis mapagod si Kelly, pero ano iyong nagkukulay blue raw ang mga labi nito? “Doc!” sigaw niya sa doktor na nakitang lumabas sa emergency room kung saan daw naroon si Kelly. “Doc, ako si Mrs. Limjoco. Mommy ni Kelly. K-kumusta siya?” Pinakatitigan siya ng doktor bago ito huminga nang malalim at inimbitahan siyang maupo muna. Hindi niya gusto ang kaseryosuhan nito na tila ba may napakabigat na balita itong ihahatid sa kaniya. Pumalo sa kaba ang kaniyang puso. “Mrs. Limjoco... hindi ko alam kung bakit hindi ninyo kaagad napansin ang signs pero… si Kelly ay may severe congenital heart disease. Late

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status