Mag-log in“Aminin mo na, Marcus.” Tumawa si Marcus, tuyong-tuyo, habang nakasandal sa mesa sa loob ng pribadong lounge ng isang hotel. “Aminin ang alin, Leandro? Na mas magaling akong maglaro kaysa sa’yo? Na hamak na mas better ako sa iyo, kaya sa akin tumakbo si Arielle ng sinaktan mo?" Sumikip ang panga ni Leandro. “Ikaw ang naglabas ng internal reports. Ikaw ang nag-leak ng projections. Walang ibang may rason kundi ikaw! Dahil ikaw lang naman ang may galit sa akin para siraan ako at ang kumpanya, dahil hindi mo matanggap na ako lang ang lalaki na mahal ni Arielle, at kahit kailan hindi magiging ikaw 'yon!" Tumigil ang ngisi ni Marcus. Unti-unti siyang tumuwid, sinalubong ang tingin ni Leandro. “So, nahuli mo rin.” Isang suntok ang dumapo sa pader sa gilid ng mukha ni Marcus, sapat para umalingawngaw ang tunog sa buong kwarto. “You destroyed my company,” mariing sabi ni Leandro, nanginginig sa galit. “Sinira mo ang pinaghirapan ko, just because you can't accept that you're fucking a loser
“Sigurado ka na ba?” malamig na tanong ni Marcus habang nakatitig sa laptop screen, ang ilaw nito ang tanging nagbibigay-liwanag sa madilim niyang mukha.“Kapag inilabas ’to, babagsak sila,” sagot ng lalaking kausap niya sa linya. “Wala ng atrasan.”“Wala na itong atrasan, nararapat lang na putulin ang yabang ng Leandro na iyon. Kung akala niya na ganoon na lang kadali magiging masaya ay nagkakamali siya. Hindi ako tanga para hayaan lang na mapunta sa kaniya ang babae na minamahal ko,” mahinang bulong ni Marcus bago tuluyang pinindot ang send.Sa isang iglap, parang may gumuhong pader sa loob niya. Ilang segundo siyang nakatitig lang sa screen, saka napatawa—isang mababang tawang walang saya. Hindi na siya ang Marcus na naghihintay lang sa gilid. Hindi na siya ang lalaking kuntento sa pagiging pangalawa.Kung ito ang tanging paraan para mabawi si Arielle, gagawin niya.~“May problema tayo.”Napatingin si Leandro sa assistant niyang pumasok sa opisina, hawak ang tablet na may naglalag
“Isa pa," paos na ang boses ni Marcus ng muli niyang isigaw ang mga salita na ito. Halos hindi na maintindihan ang boses niya, habang itinutulak niya ang baso sa bartender. Basa na ng pawis ang palad niya, nanginginig, at namumula ang mga mata na parang ilang gabi nang walang tulog.“Sir, pang-apat n’yo na po ’yan,” maingat na sabi ng bartender, kabado pa ng sabihin niya ito dahil nasigawan na rin siya ni Marcus kanina. “Hindi kita tinanong kung pang-ilan na,” mapait niyang sagot. “Tinatanong kita kung may laman pa ’yang bote.”Tahimik na ibinuhos ng bartender ang alak. Tumama iyon sa baso na parang martilyong dumadagundong sa ulo ni Marcus. Inangat niya ang baso at inubos, winasak ang lalamunan niya sa init at pait, pero hindi pa rin sapat para patigilin ang sakit sa dibdib niya.Hindi ganito dapat.Hindi ganito ang plano. Unti-unti ay nagliyab muli ang galit sa kaniyang dibdib. Halos patayin niya na sa kaniyang isipan ang katunggali sa puso ni Arielle. Ilang araw na niyang pilit
“Alam ko na, Arielle.” Napatigil siya sa gitna ng paghubad ng sapatos. Hindi niya kailangang lingunin si Marcus para maramdaman ang bigat sa boses nito. Mabigat. Tahimik. Mapanganib sa katahimikan nito. “A-ano ang alam mo?” pilit niyang tanong, kahit alam na niya ang sagot. “Huwag na,” sagot ni Marcus, tumayo mula sa sofa. Hawak niya ang telepono, nanginginig. “Huwag mo nang ipagkaila. Ayokong marinig sa bibig mo ang kasinungalingan.” Dahan-dahang lumapit si Arielle. “Marcus, hindi ganito—” “Inayakan ka niya,” putol niya, nangingilid ang luha. “Hinalikan. At hindi mo siya tinaboy.” Tahimik si Arielle. Isang segundo. Dalawa. Hanggang bumagsak ang balikat niya. “Hindi ko planado 'to,” mahina niyang sabi. “Sinubukan kong lumaban.” “Pero natalo ka,” sagot ni Marcus. “At ngayon, ako ang talo.” Tumulo ang luha ni Arielle. “Ayokong saktan ka.” “Pero nasaktan mo pa rin ako,” mahinang sabi nito. “Hindi dahil pinili mo siya—kundi dahil kahit ako ang kasama mo, siya pa rin ang
Hindi agad umatras si Arielle. Sa halip, ang kamay niyang nakatukod sa dibdib ni Leandro ay dahan-dahang napapikit, parang hinahanap ang tibok nito—parang gustong patunayan kung totoo pa rin ang nararamdaman niya, kung buhay pa rin ba ang bagay na pilit niyang pinapatay sa sarili niya. “Leandro…” mahina niyang bigkas, halos masira ang tinig. Parang iyon lang ang kailangan ni Leandro para tuluyang mawalan ng kontrol. Hinawakan niya ang mukha ni Arielle, parehong palad na nanginginig, parehong mata na nag-aapoy. Ang halik nila ay hindi na tanong—ito ay sagot. Sagot sa lahat ng sakit, kalituhan, at matagal nang itinangging pagnanasa. Mapusok, gutom, at puno ng emosyon ang bawat galaw. Para bang kapag huminto sila, babagsak silang pareho. Sa loob ng tahimik na suite, sa gitna ng gabi at galit na hindi pa rin nauubos, sila’y nagkatagpo—hindi bilang magkaaway, hindi rin bilang maayos na magkasintahan, kundi bilang dalawang taong sugatan na sa isa’t isa lang nakakakita ng lunas. Hindi
“Anong ginagawa mo rito?”Malamig, mababa, at puno ng galit ang boses ni Leandro nang tumigil siya ilang hakbang lang ang layo kina Arielle at Marcus. Hawak ni Marcus ang siko ni Arielle, tila sinusubukang ilapit ito sa sarili niya, isang larawan na lalo lang nagpasiklab sa apoy sa dibdib ni Leandro.“Leandro—” nagulat si Arielle, agad humiwalay kahit hindi pa bumibitaw si Marcus.“Bitawan mo siya,” madiing utos ni Leandro, nakatuon ang tingin kay Marcus, parang handang sumuntok anumang oras.“Hindi mo na siya pagmamay-ari,” sagot ni Marcus, pilit pinatatatag ang boses kahit bakas ang tensyon. “Choice niya kung sino ang gusto niyang kasama.”Tumawa si Leandro, pero walang kahit anong saya roon. “Choice? Matapos ang lahat ng ginawa ko para sa kanya?”“After ng lahat ng ginawa mo para saktan siya,” balik ni Marcus.“Ayos lang,” singit ni Arielle, nanginginig ang tinig. “Please… huwag kayong mag-away dito, nakakahiya sa ibang tao."Ngunit lalong nagdilim ang mga mata ni Leandro. Napa-igt







