Home / Romance / Married By My CEO Enemy / Kabanata 15: I hate You

Share

Kabanata 15: I hate You

Author: authorj_
last update Last Updated: 2025-09-17 19:30:08

Tahimik ang buong opisina ni Leandro nang gabing iyon. Nasa mesa pa rin ang mga papel ng kompanya pero ni hindi niya magawang tignan. Ang paulit-ulit lang niyang naririnig ay ang sariling boses, malupit, malamig, at nakakasugat.

"Whore."

Napakuyom siya ng kamao. Napahampas sa mesa hanggang sa natumba ang baso ng alak na hawak niya kanina pa.

“Damn it!” mariin niyang mura, mariin ang bawat hinga.

Hindi niya alam kung paano niya nasabi iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit, sa tuwing hindi niya makontrol si Arielle, lagi siyang nauuwi sa salita o galaw na siya mismo ang kinamumuhian. Gusto niyang magalit sa kanya, pero mas galit siya sa sarili.

Bumalik sa alaala niya ang mukha ni Arielle kanina, yung paraan ng pagkakatingin nito sa kanya, puno ng sakit at galit, pero may halong takot. At iyon ang pinaka-ayaw niya. Hindi siya kailanman gustong katakutan nito.

Pero anong ginawa niya? Siya mismo ang nagtulak dito palayo.

Napahiga siya sa swivel chair, pinikit ang mga mata. “Anong
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 15: I hate You

    Tahimik ang buong opisina ni Leandro nang gabing iyon. Nasa mesa pa rin ang mga papel ng kompanya pero ni hindi niya magawang tignan. Ang paulit-ulit lang niyang naririnig ay ang sariling boses, malupit, malamig, at nakakasugat. "Whore." Napakuyom siya ng kamao. Napahampas sa mesa hanggang sa natumba ang baso ng alak na hawak niya kanina pa. “Damn it!” mariin niyang mura, mariin ang bawat hinga. Hindi niya alam kung paano niya nasabi iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit, sa tuwing hindi niya makontrol si Arielle, lagi siyang nauuwi sa salita o galaw na siya mismo ang kinamumuhian. Gusto niyang magalit sa kanya, pero mas galit siya sa sarili. Bumalik sa alaala niya ang mukha ni Arielle kanina, yung paraan ng pagkakatingin nito sa kanya, puno ng sakit at galit, pero may halong takot. At iyon ang pinaka-ayaw niya. Hindi siya kailanman gustong katakutan nito. Pero anong ginawa niya? Siya mismo ang nagtulak dito palayo. Napahiga siya sa swivel chair, pinikit ang mga mata. “Anong

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 14: Pinilit Mo Ako!

    Sa labas ng hotel, sa fountain area… Malamig ang hangin, sumasabay sa lamig na gumagapang sa balat ko. Ang mga ilaw mula sa ballroom ay natatakpan na ng gabi, pero rinig pa rin ang mahihinang tugtog mula sa loob. Sa paligid, may iilang guests pang naglalakad palabas, pero sa may fountain, halos kami lang ni Marcus ang tao. “Arielle.” Tinawag niya ulit ang pangalan ko, seryoso ang tono. Hindi kagaya ng madalas niyang banayad na boses, ngayon, may bigat. “Marcus…” halos bulong ko. “Bakit mo ako pinatawag dito? Alam mong delikado, baka may—” Hinawakan niya ang kamay ko bago ko pa matapos ang sinasabi. Mainit ang palad niya, mariin ang pagkakahawak. Para bang gusto niyang ipaalam na hindi niya hahayaang kumawala ako. “Because I can’t stand seeing you with him anymore,” diretso niyang sabi. “Hindi mo kailangang tiisin si Leandro. You can choose me.” Natigilan ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. “Marcus… hindi ito gano’n kasimple. May pinanghahawakan siyang kondisyon, a

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 13: Halimaw

    “Leandro, kailangan nating mag-usap.” Ramdam ko ang panginginig ng boses ko habang magkasabay kaming lumalayo sa ballroom. Kumikinang pa rin ang mga ilaw mula sa gala, rinig ang mahihinang halakhakan ng mga bisita na nagmi-mingle, pero bawat hakbang ko papunta sa mas tahimik na pasilyo, mas bumibigat ang dibdib ko. Hindi ako tiningnan ni Leandro. Naninigas ang panga niya, isang kamay nakasuksok sa bulsa ng tuxedo, gaya ng dati,perpekto ang itsura pero nakakasakal ang presensya. “Mag-usap? Kanina pa nga kayo nag-uusap ni Marcus. Mukhang mas marami pa kayong napag-usapan kaysa sa atin.” Napakagat ako ng labi. “Huwag mong gawing biro. Si Marcus ang kasama ko kasi ayokong palaging magmukhang laruan mong fiancée na wala man lang sariling desisyon.” Huminto siya. Dahan-dahan siyang lumingon, matalim ang mga mata. “At ano bang ibig mong sabihin, Arielle? Na may choice ka pa?” Pinilit kong itaas ang ulo ko, kahit nanghihina ang tuhod ko. “Oo. Siguro may paraan pa. Pero hindi ito. Hindi

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 12: Love Triangle

    “Marcus, please sagutin mo…” nanginginig ang boses ko habang hawak ang cellphone. Ilang ulit na akong nag-ring pero wala pa rin siyang sagot. “Damn it, Marcus… kumusta ka na ba? Okay ka lang ba?” Napapikit ako, pinipigilan ang luha. Sobrang bigat ng lahat. Yung eksenang sumugod si Leandro kanina, parang pelikula pero ako ang bida sa bangungot. At si Marcus… napahawak ako sa dibdib ko habang naaalala ang pagkakahila sa akin ni Leandro palayo. “Please, kahit isang text lang. Tell me you’re fine,” bulong ko, parang umaasa sa hangin na makarating ang dasal ko sa kanya. Pero tahimik ang kabilang linya. Huminga ako nang malalim at ibinaba ang phone. Nakatingin lang ako sa kawalan, sa mismong repleksyon ko sa salamin ng bintana. Galit. Yun dapat ang nangingibabaw. Galit kasi wala namang karapatan si Leandro na i-control ang buhay ko. Galit kasi ginagamit niya lang ako para sa sariling laro niya. Galit kasi pinahiya niya si Marcus, at ako pa ang nadamay. Pero bakit may parte sa

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 11: Bugso ng Damdamin

    “Asshole!” boses na parang kulog, at bago pa ako makareact, ay dumampi na ang kamao ni Leandro sa pisngi ni Marcus. “Leandro, tama na!” halos mapalakas ang sigaw ko, pero wala na siyang pakialam. Ang mga mata niya, parang naglalagablab habang nakatutok kay Marcus. Makailan ulit akong napalunok, ngayon ko lamang siya nakita na ganito. Tumayo si Marcus, agad na sumalubong sa kanya. “Ano ba problema mo?! You barge in here like you own everything—” “Because I do,” singhal ni Leandro, hinila agad ako sa braso. “At wala kang karapatang halikan ang fiancée ko.” Parang sumabog ang paligid. Mga tao sa restaurant nagsimula nang maglabasan ng phone, nagre-record ng eksena. “Leandro, bitawan mo siya!” sigaw ni Marcus, pilit na hinahawakan ang kabilang braso ko. “Fuck you, dude! Hindi nga siya sa'yo!" Nanginginig na halos ang katawan ko sa tensyon. “Stop it, both of you! Nakakahiya!” pero parang wala silang naririnig. “You think you can just swoop in after all these years?” malamig pero ma

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 10: Halik

    “Relax ka lang, Ari. Promise, hindi kita dadalhin sa kung anong sobrang formal o nakaka-intimidate,” bulong ni Marcus habang binubuksan niya ang pinto ng isang maliit na resto na may fairy lights sa labas. “Marcus…” napahinto ako sandali, nakatingin sa paligid. Cozy, may soft music, walang masyadong tao. “Ano ba ‘to?” “Surprise,” ngumiti siya, at parang ang gaan ng buong atmosphere dahil sa ngiti niya. “I figured you needed this. Just one night na wala kang iniisip kundi ikaw lang. Wala si Leandro, wala ang family pressure, wala lahat ng toxicity. Just us.” Napatingin ako sa kanya, pinipilit na alisin sa akin isipan ang nakaraan niyang pag-amin sa akin. “Hindi mo naman kailangan gawin ‘to.” “I know,” seryoso ang tono niya habang hinahawakan ang upuan para makaupo ako. “Pero gusto kong gawin. For you.” Umupo ako, pinakiramdaman ang bawat pagpatak ng pagkakataon. He sat across me, leaning forward a little. Hindi siya ‘yung typical na intense na Marcus sa office, mas gentle,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status