Magaan ang umaga. Para kay Cressida, bihira na iyon mangyari. Karaniwang gising siya sa gitna ng gabi—dahil sa mga alaala ng aksidente, sa mga sigaw ng gulong na humaharurot sa basa at madulas na kalsada, sa ingay ng salamin na nababasag. Pero ngayon, kakaiba. Tahimik.Nasa veranda siya ng villa, may hawak na tasa ng chamomile tea, at pinagmamasdan ang mga dahong tumatabingi sa hangin. Sa likod niya, maririnig ang malambing na boses ni Anikha habang kausap ang isang staff.“Cress, you have your therapy later, right?” tanong ni Anikha mula sa loob.“Yes,” sagot ni Cressida, marahan. “Art therapy this time. They said it might help with the anxiety.”“That’s good. You’re doing great, Cress. I’m proud of you,” sabi ni Anikha bago umalis para asikasuhin ang ilang meeting.Pagkaalis nito, muling nanahimik ang paligid. Sa wakas, may katahimikan siyang hindi nakakabingi.Ilang buwan na rin mula nang aksidente. Sa panlabas, magaling na siya—malinis na ang mga sugat, maayos na ang lakad. Pero s
 Last Updated : 2025-10-19
Last Updated : 2025-10-19