SHANENakatitig lang ako kay Miranda, pilit kong iniintindi kung hanggang saan ang kaya niyang gawin. Pero sa mga mata niya, wala akong nakitang kahit konting awa. Parang ibang tao na siya. Parang wala na siyang pakialam kung sino ang masaktan basta makuha niya ang gusto niya.Ngumisi siya, “You know what, Shane,” sabi niya, parang nagkukuwento lang, “nilagay ko si Audrey sa isang lugar na naka-lock.”Nanikip ang dibdib ko habang nakikinig. Hindi ako nagsalita, hinayaan ko lang siya kahit gusto ko na siyang sakalin ulit.“And the key?” tanong ko, “Tinapon ko sa dagat,” sagot niya, parang proud pa. “So if gusto mo siyang ilabas… then go ahead. Dive ka sa dagat, Shane. Hanapin mo.”Parang may humampas sa ulo ko. Hindi ko alam kung paano ko ipoprocess ‘yon. Hindi ko alam kung bluff ba ‘to o totoo, pero kilala ko si Miranda. Kapag sinabi niya, kaya niyang gawin.Hindi pa siya tumigil.“Not only that,” dagdag niya, mas lumapit pa, halos dikit na ang mukha niya sa akin. “If Audrey will not
Read more