“What's wrong with you?!” Galit na hinila ni William sa braso si Genevieve, sa may tabi ng hallway nang magkaroon siya ng pagkakataon. Ikinagulat at ikinakunot-noo iyon ng babae. “Alam ko ang ginawa mo. Nasisiraan ka na ba ng bait? Sarili mong kapatid, ginawa’n mo ng masama?!” pagpipigil na bulong niya rito. Sa halip na masindak at humingi ng kapatawaran. Taas-noo lamang itong sumagot, “You don't understand, William and you never will. Hindi ko siya tunay na kapatid, ano ba siya sa akin? Isa siyang mortal na karibal. Iyon ang totoo.” Dahan-dahang nanlaki ang kaniyang mga mata sa narinig. “Tatanungin kita, ano ba ang dapat na ginagawa sa mga kalaban?” Hindi makapaniwalang napailing na lamang si William. “You know the consequences of what you did.” “Tss.. I am not afraid of anything, Wil. What I did was right. Maswerte lang siya at nabuhay pa siya!” matapang nitong sagot. “You're a psychopath, no, an evil–totally evil,” pagdiriin niya. Tumawa lang ito nang mapanuya. “Tawagi
Last Updated : 2026-03-04 Read more