Makaraan ang dalawang oras, nagsidatingan ang ilang mga kaibigan ni Genevieve na inimbitahan nito para sa pool party’ng gaganapin. Akala ni William ay alas dos ng hapon magsisimula ang party. Sinadya lang pala ni Genevieve na papuntahin siya ng mas maaga upang masolo siya nito. Wala sana siyang balak na pumunta, ngunit sa kadahilanang nasa iisang mansion nakatira ang dalawa pumayag na rin siya. Si Trisha lang naman talaga ang pakay niya roon at ginamit lamang ang imbitasyon ni Genevieve para makapasok siya sa mansion ng mga Del Fuego. ‘Aalis ng exactly 11 am ang parents ko patungong Singapore bukas, para sa business travel nila. I wanna invite you to a pool party,’ naalala niyang saad ni Genevieve kagabi kasabay ng pag-abot nito ng invitation card. Napa-smirk siya. Alam niyang nagpaparamdam sa kaniya si Genevieve. Halata naman kasi rito na may gusto ito sa kaniya. Ang hindi nito alam, asawa niya ang kapatid nito. “Babe, okay ka lang?” untag sa kaniya ni Trisha. “Ha, ah, oo. Ayo
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-12 อ่านเพิ่มเติม