“Let me ask you, kinakapatid,” marahang turan nito na ikinasinghap naman ni William. “Ano bang nakita mo sa kaniya? Ganyan na ba talaga ang prinsipyo mo, tagapulot ng mga itinapon ng iba?” Nakuyom ni William ang hawak niyang ballpen. Sarkastiko naman itong ngumisi sa kaniyang harapan na ikinatagis ng kaniyang mga ngipin. Gayunpaman, sa kabila ng panginginsulto nito sa kaniya, kahit nanggagalaiti na sa galit, nanatili pa rin siyang kalmado sa harap nito. Wala pa siya sa mood para manakit nang umagang iyon. “Wala akong panahon sa walang kwentang kausap. Makaaalis ka na.” Nakapang-uuyam itong tumingin sa kaniya nang tumayo at ibinulsa ang mga kamay. “Gusto ng mga ama natin na maging business partners tayo sa future, but I told them it won't gonna happen, unless you and Trisha broke up.” Napa-smirk siya sa sinabi nito at kaagad na sumagot, “That won't gonna happen, too.. dream on.” “Yeah, too good to be true. I don't know why gustung-gusto nilang maging partners tayo, e, kung tut
Ler mais