Maagang nagtungo si William sa Del Fuego Luxury Hotel. Sinuri niya ang buong paligid, makita lamang si Trisha. Alam niyang nagtatrabaho ito sa high-profile family na kasalukuyang number one investor ng kanilang korporasyon, ang Aveedra. Pasimple siyang naglakad-lakad. Puno ng magaganda at nagkikinangang palamuti ang paligid. Kapansin-pansin din ang naglalakihang crystalized chandelier. Ang Del Fuego ang may pinakamarangyang mga Hotel sa buong Pilipinas.Huminga siya nang malalim. Iniisip kung saan mahahanap ang kaniyang asawa. Gusto niya itong makausap hangga't hindi pa nagsisimula ang okasyon. Kumuha siya ng isang baso ng alak.“Hi…” Napalingon si William sa dalagang nakatayo. Sa tingin niya ay mas bata ito sa kaniya nang ilang taon. Maganda ito at mukhang mayaman, kaso mukhang liberated. Hindi nalalayo sa mga babaeng humahabol sa kaniya.“Kilala kita, the only heir of Aveedra,” saad nito sa mapang-akit na boses. Bahagya lang siyang ngumiti. Walang balak na makipag-usap nang mata
Last Updated : 2025-12-15 Read more