Naalala niya ang pangalang binanggit nito. Si Cindy, ang nerd noon sa barangay nila na may gusto sa kanilang dalawa ni Wilson. Muling nagbalik sa kaniyang gunita ang lahat, kung saan aksidente niyang nabasa ang love letter na ginawa nito para sa kaniya.'Tsk.' Napailing siya.Iyon ang simula at dahilan kung bakit sinubukan niyang magtapat ng damdamin kay Trisha, ngunit sa kasamaang palad, hindi pa rin nito nalaman na may nararamdaman siya para rito."Ah, oo, naaalala ko siya." Tumawa pa si Wilson. "Umiyak pa nga 'yon no'ng pinagkalat ng mga bullies niya ang nararamdaman niya para sa 'kin. Ang totoo, kawawa nga 'yon, nag-transfer nang dahil lang do'n. William, hindi ba't may gusto rin siya sa 'yo?" Baling nito sa kaniya."Ha? Ah, s-siguro, hindi ko alam." Muli itong natawa. "Sus, stop pretending, bro. Marami ang nakakaalam dati na nabasa mo ang letter niya."Sinulyapan niya si Trisha na tahimik lamang na nakikinig sa kanila habang nakatingin sa kaniya."Tss, ano ba kayo, bakit pa ba n
続きを読む