“Regalo niya kasi raw ito, medyo late na nga, e, pero at least ‘di ba, hindi niya nakalimutan. Nakakahiya rin naman kasing tanggihan, lalo pa't nag-effort iyong tao.”‘Tss..’“Ano sa tingin mo?” banayad at matamis ang ngiting wika nito habang nakaharap sa salamin at isinusukat iyon sa sarili. “Okay na isuot ko ito ngayon, hindi ba?” excited nitong dugtong. Lihim siyang napabuntong hininga. “Okay lang naman, kaya lang hindi kagandahan,” mahina niyang turan nang umiwas agad rito ng tingin at kunwaring binuksan ang kaniyang cellphone. Nilingon siya nito at nakapamaywang nang magtanong, “Akala ko ba maganda’t bagay sa ‘kin? E, bakit parang binabawi mo naman yata ang mga sinabi mo?” Kunot-noo at napanguso pa nang muli nitong itinuon ang mga mata sa damit.“Kanina ‘yon, nang una kong tingin, e, napansin ko na ang pangit pala ng design parang pang 1600’s.” Mas lalong kumunot ang noo nito sa sinabi niya. “1600’s? Okay ka lang, e halata namang hindi. Ito pang 1600’s talaga? Kalokohan. Ang g
Ler mais