"Babe, what happened? Bakit ka umiiyak, nalulungkot ka ba?" mahina niyang wika nang marahang pinunasan ng likod ng kaniyang hintuturo ang luhang dumaloy sa pisngi ni Trisha. Pilit niya ring pinasigla ang boses na para bang naririnig siya nito. "Don't worry, babe, narinig mo naman ang sinabi ni Doc, hindi ba? Makalalabas ka rin agad ng hospital, kapag nagising ka na at umayos ang pakiramdam mo. Ah, iyong tungkol nga pala sa babies natin, huwag kang mag-alala, buhay ang twins. Ang totoo super astig nga nila–malakas na, matapang pa. Biruin mo, they survived!" Gustong kumawala ng luha niya sa mga mata habang pilit na ngumingiti sa tuwa nang sabihin iyon. "Mukhang sa iyo nagmana ang mga anak natin," pabiro niya pang dagdag.Marahan pa siyang tumawa. Kakaibang ligaya ang naramdaman niya habang iniisip ang mga anak sa sinapupunan ng asawa. Babies pa ang mga ito pero palaban na. Nakatutuwa nga'ng isipin iyon. Mas lalong lumuwang ang ngiti sa kaniyang mga labi. Ang totoo, nawala ang takot s
Read more