Mag-log in"William, hijo," mahinahong tawag ni Gng. Carmen sa asawa ng anak. "Sebastian and I talked about Stephanie's 25th birthday celebration this coming weekend. And we're expecting a lot of guests on that day at isa na ro'n ang business tycoon na darating ng bansa–si Atty. Wilson Demrigh Olajer," pagpapatuloy nito matapos nitong punasan ang bibig ng table napkin. "Did you hear that name before?" usisang muli ng may edad na ginang. Nilingon ni William si Trisha bago ito tumingin sa mga magulang ng asawa. "Atty. Wilson is the grandson of the founder of Kamiza Group, an owner of Zuta Trading and Production Company, and currently the President of Alivo Motors Corp. Marami ang humahanga sa kaniyang talino at galing, at naghahangad na maka-partner siya sa negosyo," sagot ng lalaki. Tahimik at lihim na napa-smirk si Trisha. 'Magaling, kahanga-hanga..' Ang lalaking tinutukoy ng asawa ay anak ng isang sikat na Hollywood Actress noon. Sinong hindi makakikilala sa lalaking iyon na noo'y kalaro l
"Babe.." Sinalubong ni Trisha ng halik ang kaniyang asawa. Kinuha niya rin ang bag na hawak nito at ibinigay sa katabing katulong na nakatayong naghihintay. "Good noon, how's your day?" usal ni William habang tinatanggal ang sapatos. Nilingon siya nito at pagkatapos ay bahagyang yumakap sa kaniya. "Hmm.. okay lang naman," tatango-tangong nakangiti niyang turan. "Na-miss kita agad." Lumuwang ang ngiti nito sa labi. "Agad?" "Y-Yeah.." Ipinulupot ni William ang braso nito sa baywang niya. Iyon ang mga bagay na kinasasabik niya lagi sa asawa. "Kumusta ang pagdalaw mo sa kanila?" wika niya. Sa halip na sagutin, iba ang napansin nito nang dumako ang paningin ni William sa kamay ni Trisha. "Ano 'to?" At bahagyang sumeryoso ang mukha. Kaagad na itinago ni Trisha sa likuran ang may band-aid na daliri. "A, ano.." Gayunpaman, mabilis na nahuli ni William ang kamay niya at sandaling pinagmasdan ito saka tumitig sa kaniya. "Ah, ito, wala ito." Pag-iwas niya sa usapan.
"Babe, anong oras ang uwi mo? Ipaghahanda sana kita ng hapunan," tanong ni Trisha sa asawa. Hawak niya ang cellphone sa tainga habang nakatanaw sa labas ng balkonahe. Excited siya na pag-usapan ang gaganaping selebrasyon sa kaarawan niya. Sa susunod na linggo na iyon at wari'y nakalimutan ni William ang tungkol sa bagay na iyon. Maging ang mga magulang niya ay tila nakalimot na rin dahil sa sunud-sunod na pagsubok na nangyari sa buhay nila. "Yes, babe, uuwi ako at diyan ako maghahapunan. Maybe an hour nariyan na ako.." sagot nito mula sa kabilang linya. Napasikdo si Trisha sa excitement. "Sige, ipagluluto kita ng masarap." Alam niya ang paborito nito kaya't sisiguraduhin niyang masasarapan ito sa mga lutong gagawin niya. "Gano'n ba? Sige, maraming salamat pero mag-iingat ka, ah. Magpatulong ka kay Maria sa pagluluto kapag nahirapan ka," bilin nito. "Sige, ako na ang bahala. I love you." "I love you too.. babe," tugon naman nito na nagpakilig lalo kay Trisha. Paano kasi
"Buti at naisipan mo ring umuwi ng mansyon," bungad ng kaniyang ama. Kararating lang ni William sa Ancestral House. Masyado siyang naging abala nitong nagdaang mga araw–sa trabaho, sa gulong kinakaharap ngayon ng pamilya Del Fuego at sa asawang may tila inililihim sa kaniya."Nawili ka na sa pamilyang iyon at halos hindi ka na nagpapakita rito sa lola mo," dagdag pa nito na hindi na lamang niya pinansin. Lumapit si William sa lola niya at hinalikan ito. "Kumusta na po kayo, grandma?" Ang nangungunot na mukha ng matanda ay kaagad na umaliwalas, kasunod niyon ay ang pagngiti nito nang tipid. "Buti na lamang at nandirito ang kakambal mong si Clarisse, dahil kung hindi baka namatay na ako sa–" "Grandma naman, kararating ko lang kung anu-ano na ang sinasabi.." sita niya rito."Naku, totoo naman kasi talaga ang sinasabi ko. Batang ito..." "Grandma, tama si twin brother.."Mabilis na inilipat ni William ang direksyon ng tinitingnan. Ang kambal niyang kapatid na senyoritang-senyorita ang
"Mukha yatang may bumabagabag sa 'yo, ano iyon?" Humugot siya nang malalim na hininga. Iniisip niya kung sasabihin niya ba sa asawa ang tungkol sa bagay na iyon. "Si Mang Hector ba..." Ni hindi niya matapos ang sasabihin. Tama bang pagdudahan niya pa rin ang may edad na lalaki? Naguguluhan siya. "I mean.." saad niya na napapakamot na lamang. Nagbaba siya ng tingin. Alam niyang hindi siya matitigil hangga't patuloy niya pa ring itatago kay William ang bagay na gumugulo sa kaniya. "Bakit, ano ang tungkol kay Tiyo Hector?" Hinagod niya ito ng tingin. "Paano kung..." "Sige na, sabihin mo na. Ayokong may nililihim ka sa akin, lalo na kung iyon ang magdudulot sa iyo ng hindi maganda... na makakasama sa kalusugan mo." Muling humugot si Trisha nang malalim na hininga. Bahagyang kinabahan. "Babe." Hinawakan siya nito sa kamay. "Pareho nating kilala si Tiyo Hector, matagal na. Kung may problema ka sa kaniya, huwag kang magdalawang-isip na sabihin sa akin. Ayoko na nagtata
"Magandang hapon, Má, Pá.." "William, mabuti at naririto ka," turan ni Doc Sebastian. "Pinag-uusapan namin ang tungkol kay Carlito." Sumulyap si William sa kaniya. Ang mga mga mata nito ay may ipinahihiwatig. "Kung nakalabas siya ng bilangguan no'ng nakaraang taon, ano ang ginawa niya buong taon?" curious na bulong ni Trisha na hindi naiwasan ang mapatanong. Kung may masama itong balak sa kanila at sa mga magulang, bakit ngayon lang ito nagparamdam? Bahagyang napaisip ang kaniyang ina. "Nang mga panahong iyon, dapat kinuha na niya sa atin si Genevieve pero hindi niya ginawa." "Iyon ang bagay na hindi natin matukoy–hindi tayo sigurado. Ngunit sa ngayon, may lead na tayo." May kompyansang tumingin sa kanila ang ama at nagpatuloy. "Si Carlito ang tunay na nasa likod ng lahat ng ito. Kung ano man ang plano niyang gawin, hindi na ako papayag na hindi tayo maging handa." Tumango siya at mausisang nagtanong, "Saan kaya siya naroroon ngayon?" "Casino sa Quezon City, madalas s
Umuwi muna si lola para makapagpahinga. Tulog ang aking kapatid, mahimbing ang pagkakatulog. Katatapos niya lang maoperahan kanina at ngayon ay bumabawi ang katawan. Pinaghalong habag at saya ang aking naramdaman. Sa wakas ay magiging maayos na ang kalagayan ng aking kapatid. Hindi na ito mahihira
“Now, that I'm your boss. Susundin mo ang lahat ng ipag-uutos ko bilang personal secretary ko. Or else..” Mariin akong napapikit, nang tuluyang maramdaman ang init ng kaniyang hininga sa pagitan ng aking leeg at tenga. Nakumos ko ang laylayan ng suot kong maiksing palda. Naglaro sa aking diwa ang
Naglalakad ako sa daan habang nakapayong nang biglang may dumaang kotse. “Grabe naman! Bulag ka bang driver ka!” inis kong sigaw matapos kong batuhin ang likurang bahagi ng kotse. Kinabahan ako nang biglang huminto iyon. Akala ko ay may bababa para labasin ako, ngunit kaagad iyung muling umandar
Pakiramdam ko ay huminto ang lahat sa paligid. Marahan akong napapikit. Nakikiramdam sa mga susunod pang mangyayari. ‘Pamilyar ang kaniyang halik..’ bulong ko sa aking sarili. Napamulat ako nang bigla niya akong buhatin, dahilan para mapahawak ako sa kaniya nang mahigpit. “I'll take you out..” b







