Inicio / Romance / The Boss and His Secretary / Kabanata 22 [Pagtanggal sa Trabaho]

Compartir

Kabanata 22 [Pagtanggal sa Trabaho]

Autor: Dwendina
last update Última actualización: 2025-10-15 23:24:23
“Stop! I don't need your explanation. Get back to work,” mahinahon ngunit seryosong saad ni William.

Napakunot ang aking noo nang maabutan silang nag-uusap.

“Saang department ka nga pala naka-assign?” maya-maya'y tanong nito nang tatalikod na sana si Shaina.

“Sa marketing, sir. I am an assistant of Manager Diego,” sagot nito nang muling humarap.

“E, anong ginagawa mo rito? Hindi ba't nasa fifth floor ang marketing department?” mariing tanong ni William.

Hindi siya agad nakakibo. Napasulyap sa akin si Shaina nang may pahiwatig. Halata ang kaniyang pagkapahiya sa harap ni William. Ngayon, hindi niya alam kung paano pakakalmahin si William.

“Tell your manager to come to my office, right now.”

“Y-Yes sir,” kabadong sagot ni Shaina nang muling mapasulyap sa ‘kin.

Hindi niya siguro inaasahan na ganoon ka-strict si William sa mga empleyado niya. Napa-smirk ako. Akala niya siguro madadala ng karisma niya ang boss namin.

“What are you waiting for?” untag nito kay Shaina na na
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 41 [Mag-ina?]

    “Anong ginagawa mo rito?” Lumingon ako sa paligid bago tipid na sumagot, “Para sa trabaho.” Nakita ko ang pagbabago sa kaniyang mukha. “Hindi ka dapat magtagal dito.” Napakunot-noo ako. “Bakit hindi?” Saka may pumasok sa isipan ko. “Hindi ba dapat kasama mo ngayon ang lalaki mo na ipinagpalit sa amin, bakit hindi ka bumubuntot sa kaniya ngayon?” lakas-loob kong wika. Hindi ko alam kung bakit iyon ang kusang lumabas sa bibig ko kahit hindi ko naman iniisip. Seryoso siyang tumitig sa ‘kin. “Ano ang gusto mong ipahiwatig?” “Ano nga ba sa tingin mo?” taas-noo kong sagot. Hindi ko alam kung saan patungo ang usapan namin. At kung bakit nais kong buklatin ang nakaraang pahina sa buhay namin. Gusto ko ng kasagutan na hanggang ngayon ay inaasam ng utak ko.“Hindi ito ang oras at lugar para pag-usapan ito, Trisha,” mariin niyang wika. “Bakit, saan mo ba gustong pag-usapan–sa gubat, sa ilog, sa bundok?” pilosopo kong sunud-sunod na katanungan na nagpainit ng kaniyang pisngi. “Bakit, ano

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 40 [Quickie]

    Araw ng linggo, pero tinawagan pa rin ako ni William para papuntahin sa kanilang mansion. Pinadadala niya sa akin ang ilang mga bagong reports. Patuloy pa rin sa pagtatrabaho si William para maayos ang problema sa kompanya. May pagdududa siya na may kinalaman si Mama sa nangyayaring krisis doon. Napahanga ako sa lawak ng paligid at sa engrandeng bahay nila. Ilang ektarya rin iyon at may mga mamahaling kagamitan. Parang kalahati ng magarang palasyo kung titingnan. Napatingin sa akin ang ilang mga katulong na abala sa paglilinis. Kaagad akong lumapit sa kanila at nagtanong, “Saan dito ang office ni Sir William? Itinuro sa akin ng mabait na katulong ang direksyon. Napadaan ako sa isang veranda. Nakahinga ako nang maluwag nang makita si William na tila umiinom ng wine. Kaagad ko siyang tinungo.“For heaven's sake, buti nakita kita. Eto na ‘yung mga hinihingi mo,” saad ko pa nang iabot sa kaniya ang envelope. Napapalingon ako sa paligid, baka kasi makita ako ng lola at ama niya. Ayok

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 39 [Mag-ama]

    “I want an explanation for this..” pabagsak na wika ni Don Marianno. Nagkatinginan kami ni William.“Excuse me, sir,” pagpapaalam ko agad sa kanila para lumabas. Alam kong kailangan nilang mag-usap mag-ama.“Stay here,” mariing wika ni William nang pigilan ako. Napatingin sa akin si Don Marianno. Hindi siya umimik. Seryoso siyang bumaling muli kay William. Nailagay ko na lamang sa likuran ko ang aking mga kamay nang mapayuko.“Another crisis, Son? Is that how you manage your own company?” pagdaragdag nito. Napatingin ako sa hindi maipintang mukha ni William. Alam kong may gap sa relasyon nilang mag-ama. Napag-alaman ko iyon mula kay William nitong mag-usap kami tungkol sa kaniyang pamilya.“I thought you've learned. Nasaan ang pinag-aralan mo?”Hindi ko maatim ang ginagawang pagpapahiya nito sa kaniyang anak. Napaigting ang panga ni William sa narinig at naglalagablab ang mga matang tinitigan ang kaniyang ama. “Wala akong ideya sa mga nangyayari. Siguro nga ay may tumatraydor sa

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 38 [Problema]

    “Anong oras na? Ganitong oras na ba umuuwi ang mga babae ngayon?” I cleared my throat. “Pumasok ka muna, sa loob na natin iyan pag-usapan.” Mas lalo lamang siyang tumitig nang taimtim. Hindi ko alam ang pinanghuhugutan niya ng galit, gayong wala naman akong ginagawang masama at isa pa maaga pa naman. Ipapasok ko na sana ang motorsiklo nang harangan niya ako. “Saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na?” Ibinaba ko ang stand ng motorsiklo saka siya hinarap. “Nakipag-dinner sa ‘kin si Annie, kaya't natagalan ako sa pag-uwi. Hindi mo naman sinabi na pupunta ka rito, e ‘di sana hindi na lang ako pumayag na makipagkita sa kaniya,” Hinawakan niya ang motorsiklo para pigilan akong pumasok nang tangkain ko iyung itulak.“Really? How about the guy, hindi mo ba sasabihin sa akin ang tungkol do’n?” Napakunot ang noo ko. “Si Rex ba kamo?” Tumaas ang isa niyang kilay bilang pagkumpirma habang tiim-bagang pa ring nakatitig sa ‘kin. Humugot ako nang malalim na hininga.“Dati ko siyang naka

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 37 [Restaurant]

    Lumipas pa ang mga araw, masaya ang naging bunga ng pagsama ko kay William sa business travel niya. Sinulit ko talaga ang panahon na makasama siya. Halos isang linggo rin kami sa Davao bago bumalik ng Manila. Nang pareho na kaming nasa trabaho, isang boss and subordinate relationship lang meron kami. Ganoon ang naging daily routine namin, bilang boss at kaniyang sekretarya. Wala namang naghinala sa amin. Maingat kami na hindi kami mahuli nang kung sino. Minsan kapag palihim kaming nagkikita sa araw ng linggo o ‘di man sa hapon pagkatapos ng trabaho. Pinasusundo niya ako sa kaniyang tauhan at hinahatid sa condo niya. At doon namin pinagsasaluhan ang mga oras at sandali na magkasama kami bilang mag-asawa. Isang araw, nilapitan ako ni Annie at niyayang makipag-dinner sa kaniya pagkatapos ng trabaho. Aniya, libre raw niya kapag pumayag ako. Hindi ko alam ang pakay niya pero pumayag na rin ako. Kaibigan din naman siya ni William at para sa ‘kin, kaibigan ko na rin siya. Kumaway siya s

  • The Boss and His Secretary    Kabanata 36 [Sa Batis]

    Alas singko pa lamang nang umaga, nagyaya na si William na mag-jogging sa malawak na parte ng Hacienda. Mas maganda raw roon dahil presko ang hangin at walang masyadong tao kapag ganitong oras kumpara sa sports center na dayuhin ng mga runners. Pumayag na lang din ako para may makasama siya kesa magkape at humarap lamang sa laptop. Nagbaon kami ng face towel at mineral bottle. Halatang nakasanayan niya ang ganitong ehersisyo sa umaga dahil hindi siya mabilis mapagod hindi gaya ko na pawis na pawis na kaagad. Pero in fairness, gusto ko ang pakiramdam na ito. Feel ko kasi gumaan ang pakiramdam ko. Halos mangalahating oras din kami sa pagdya-jogging hanggang sa marating namin ang malinis na batis. Naupo ako sa malapad at malaking bato sa gilid niyon. “May ganito pala rito?” tanong ko agad sa kaniya na namamangha. Ngumiti siya at napakamot sa kilay. “Oo naman, malawak kasi ang Hacienda, maybe humigit kumulang nasa hundred hectares.” “Talaga? Bakit hindi ko alam iyon,” bulong ko.

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status