Palabas na siya at pababa ng garahe nang marinig niya ang boses ng kaniyang lola.“Hijo, apo, where are you going?” tanong nito kay William matapos siya nitong mapansin at makitang siya'y nakabihis na. Nakatayo ito sa veranda at nakatanaw sa mabulaklak na harapan ng bahay.“At the company, grandma,” tugon niya. “I have to work.”“Oo nga pala, umuwi ka kaagad mamaya, ha,” pakiusap nito sa mahinang boses.“Grandma, hindi po ako rito matutulog.” Nakita niya ang pag-iba ng awra ng mukha nito. “Why? I want you to be here. Gusto ko na bago ako matulog, ikaw ang masilayan ko.”Huminga siya nang malalim. “Pupuntahan ko si Trisha sa bahay nila after work, to check on her.” Nahuli niya ang pag-irap at pagkunot-noo ng matanda.“Grandma, asawa ko na si Trisha. I have to do my responsibilities and obligations to her. This is my duty as her husband.”“But you have responsibility to your own grandma as well,” she insisted. “Especially when she's sick.”“Yeah, I know, but–” Palihim siyang napasingh
Last Updated : 2025-11-25 Read more